Chapter 2

34.7K 1.3K 304
                                    

Chapter 2: The Comeback

"I'm so sorry but I can't accept it."

Nabigla ako sa naging sagot ni Mr. Richman. Hindi ko alam kung ano ang punto niya pero maraming ideya ang nabuo sa isip ko.

Bakit ayaw niya? May kasalanan ba 'kong nagawa? Dahil ba hindi alam ng apat na alien na aalis na ako? O baka naman wala pang pwedeng ipalit na personal maid sa 'kin?

"Po?" nasabi ko na lamang sa pagkabigla.

"As what I've told you, I have to leave for months and you know that those four can't live on their own. They need you. You're the only person who goes this far, Siree. Alam mo namang wala pang tumatagal na personal maid sa mansyon maliban sa'yo. I can double your wage and you can ask anything you want. Just please, stay for a number of months that I'll be leaving. After that, hindi na kita babawalan sa magiging desisyon mo." pakiusap niya.

Gusto kong tumanggi. Gusto kong magalit. Gusto kong umalis kahit na walang pahintulot galing sa kanya. Eh kasi okay na ang lahat. Umasa na akong papayag siya. Planado ko na ang lahat. Miss na miss ko na kasi talaga ang pamilya ko. Dalawang buwan na rin naman ang itinagal ko sa mansyon. Sapat na naman siguro iyon para pagbigyan niya ako sa hiling ko.

Pero sa kabilang banda, may kung anong awa akong naramdaman. Pareho lang kami ni Mr. Richman na nasasabik na makita ang mga pamilya namin. Ang sama ko namang tao kapag tinanggihan ko ang pabor niya. Pero pano naman ako? Ewan ko. Hindi ako makapagdesisyon sa sarili ko.

Nabigla ako nang tumunog yung phone ko. Kaagad ko namang tiningnan kung sino ang caller at nang mabasa sa screen ay kaagad kong sinagot. Nag excuse muna ako kay Mr. Richman para sagutin ang tawag.

"Ma? O bakit?" pag-aalala kong bungad sa kanila.

Ilang araw na kasing hindi sila tumatawag sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam kong may hindi magandang nangyari.

"Siree, si ...Micko" rinig na rinig ko ang pag crack ng boses ni Mama. Ramdam ko ang kakaibang init na namumuo sa gilid ng magkabilang mata ko. Alam ko kasing may sasabihin siyang hindi magandang balita.

"Ma, bakit? Ano pong nangyari kay Micko?" pinipigilan ko pa rin ang aking sarili na hindi maiyak sa harap ni Mr. Richman.

"Isinugod namin siya sa ospital noong isang araw pa. Hindi sana kami tatawag sayo pero wala na kaming pwedeng mahingan ng tulong. Anak, hindi na raw kaya ng gamot yung kalagayan ng kapatid mo ngayon. Kailangan raw siyang operahan sa loob ng isang linggo. Ayon pa sa doktor, magiging magastos daw ang operasyon."

Tuluyan nang humagulgol sa pag-iyak si Mama. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Para akong pinutulan ng dila dahil sa hindi ako makapagsalita.

Nakinig na lang ako at naghintay sa mga susunod na sasabihin ni Mama.

"Hindi ko na alam anong gagawin ko. Saan tayo kukuha ng ganun kalaking pera anak? Ayokong mawala ang kapatid mo. Masyado pa siyang bata. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa 'tin."

Tahimik lang akong umiiyak. Tinakpan ko na rin ang bibig ko upang hindi niya marinig ang paghikbi ko. Ayoko kasing iparamdam na mahina ako. Kailangan kong magpakatatag kahit ngayon lang.

"Wag kang mag-alala, Ma. Ako na ang maghahanap at gagawa ako ng paraan. Pangako 'yan, Ma. Tatawag na lang po ako sa inyo sa susunod." lakas loob kong sabi kay Mama at ibinaling ang tingin kay Mr. Richman.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay binaba na ni Mama ang telepono. Hindi ko na nakayanan pa at tuluyan nang humagulhol sa loob. Wala akong paki sa lahat ng tao sa paligid ko maging kay Mr. Richman. Masyado kasing masakit. Sobrang mabigat sa pakiramdam.

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें