CHAPTER 56

23 1 0
                                        

NAKASISIGURO ka ba na dito ang address ni Miss Cromwell?” Kausap ni Catie sa telepono ang tauhan niya. 

“Yes Ma'am, pinupuntahan niyo na po ba ngayon?” Pag-uusisa ng lalaki sa kanya. 

“Oo, sige na mamaya na ulit. Salamat sa impormasyon,” at ibinaba na niya ang tawag. Nilakad niya ang isang masikip na eskinita, makalat iyon, matao, at maraming lamok dahil na rin sa mahabang kanal na naroroon. 

Nang makadaan siya sa eskinita, bumungad sa kanya ang kapit-kapit pang bahayan. Madaming naglipanang bata sa labas, at masasayang nakikipaglaro. Habang ang ilan naman ay nakikipag-away, may mga nag-iinuman, nagsusugal, at nagpapadasal. 

Naagaw ng isang bahay na mayroong malaking tent at maraming tao ang atensyon ni Catie. Nakasuot lahat ng mga ito ng itim, tila dinadasalan ang kaluluwa ng isang yumao. 

Dumako ang paningin ni Catie sa isang malaking picture frame kung saan ay naroroon ang picture ng isang pamilyar na pamilyar na babae sa kanya. 

“N-No! What the hell is happening?!” Nasabi niya sa sarili, nagtatakang napatingin ang ilang babaeng nagdadasal doon sa kanya. Imposibleng mangyari na si Miss Cromwell ang babae sa larawan, dahil nasa kompanya ni Ross si Miss Cromwell, buhay na buhay, at maayos na nagtatrabaho. “Is somebody pranking me?” Umiling-iling siya at bahagyang sinampal-sampal ang sarili. 

Isang batang babaeng bagamat madungis ay litaw ang kagandahan na lumapit sa kanya. “Ate ganda, bago lamang po ba kayo dito sa lugar namin?” Inosenteng tanong ng batang babae sa kanya, ngumiti si Catie dito at umupo upang magpantay ang tingin nila ng bata. Gusto niyang malinawan ngayon kung isang laro lamang ba ito o nagkataon lamang na kamukha iyon ni Miss Cromwell. 

“Bata… may itatanong lang ako sa ‘yo.” Seryosong panimula ni Catie, pinagkatitigan naman siya ng bata. 

“Ano po iyon, Ate Ganda?” Tanong nito.

“Kilala mo ba kung sino iyong babaeng dinadasalan ng mga Ale?” Seryosong tanong niya habang makatuon sa litrato ang paningin niya. Tumingin ulit siya bata, inosente itong tumango at suminghot dahil sa tumutulong sipon sa ilong nito. 

“Kilala ko po siya, Ate. Siya po si Ate Amelia Cromwell. Tatlong taon na po siyang patay, ngayon po ay ikatlong taon ng paglibing sa kanya. Bakit niyo po natanong Ate? Katrabaho niyo po ba siya sa kompanya ng mga Fortalejo?” Halos tumigil ang mundo ni Catie sa mga narinig niya, naramdaman niya ang unti-unting pagtaas ng mga balahibo niya dahil sa pangamba at takot. Gayunpaman, ay pilit siyang ngumiti sa bata at ginulo ang magulo nang buhok nito. 

“S-Sigurado ka ba bata, h-hindi ito joke time?” Nauutal na tanong ni Catie, ayaw niyang maniwala dahil imposible ang sinasabi ng batang ito. “Paanong nangyari na patay na siya, buhay na buhay si Amelia Cromwell at ang totoo—”

“Tatlong taon nang patay ang anak kong si Amelia, Binibini. Nasasaiyo na kung maniniwala ka o hindi, pero hindi kami nagloloko dito. Hanggang ngayon masakit pa rin sa amin ang pagkawala niya, dahil pinatay siya nang walang kalaban-laban, at walang dahilan!” Bakas na bakas ang sakit at pighati sa tinig ng matandang Ale, nanginginig ang buong katawan ni Catie dahil mukhang hindi nga siya nilalaro ng tadhana ngayon, talagang pumanaw na si Miss Cromwell. 

“Ang tanong sino ang babaeng iyon na nakakasama namin?!” Wala sa sariling tanong ni Catie at nagtaka ang Ale at ang bata sa kanya. “S-Sige po Ale, maraming salamat po. Mauuna na po ako,” Patakbong umalis si Catie sa lugar na iyon. 

Hihingal-hingal siyang nakarating sa kanyang kotse, bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla siyang tawagin ng batang kinausap niya kanina. Sinundan din pala siya ng Ale na sa palagay niya ay Ina ni Amelia Cromwell. 

I'M MARRIED TO YOU Where stories live. Discover now