"MAS LALONG HINDI PWEDE!"

"Ay onga pala. Di pala pede, si Krystal lang gusto nun makahalik sa kanya. Hehe. At ikaw naman... panigurado si Aidan lang naman ang gusto mong humalik sayo. Ayieeeee," panunukso nito.

 

"Ingay mo. Di na kita lilibre," banta ko dito. Tumahimik naman 'to sabay ng pagpeace sign.

 

Bumalik na kami sa classroom para sa panghapon na klase.

Ewan ko ba, hindi ako mapakali kaya nagpaalam ako lumabas ng classroom para mag-CR. Nagkataon naman kasing sira ang CR sa classroom namin nun. Pero balak ko talagang lumabas.

Hinanap ko si Nile. Nakita ko siyang kasama ang magandang babae na nakita ko nung pabalik ako sa high school department. Sweet na sweet sila kaya nanilim ang paningin ko... Lintek lang talaga ang walang ganti. Saan ko nga narinig na palabas 'yun? Haha. Sandaling huminga ako ng malalim at pinilit na ikalma ang sarili.

 

"Oy ‘tol. Pwede ka bang makausap saglit?" Nakangiti kong tanong dito paglapit ng makita kong umalis na yung babae.

 

"Oo naman tol. Anong meron?"

 

"Sa gym tayo? Laro tayo basketball. Na-bobore ako sa klase eh, ano?"

 

"Di ako kasing galing ni Aidan ah, pero sige," sagot nitong may gana pang ngumiti. Kumpara ba naman kay Aidan na varsity sa college? Syempre alam ko 'yun noh! Duh.

 

"Ano ka ba.. ayos lang ‘yun. Badtrip ako eh. Tara," sabi ko at nauna ng naglakad.

 

"Bakit ka naman badtrip?"

 

"One on one ha?" Tumira na ako at pasok naman. "Wala lang. Girlfriend mo ‘yun?" Sabay pasa ng malakas ang bola dito. "Paki-hold nga."


"Ahaha. Oo eh." Pasimple nitong kinumpas ang kamay na lihim ko lang na inismiran. Tatawa ka pa ha.

 

"AHAHAHA!" Panggagaya ko sa tawa nito. "TALAGA? KELAN PA?" Nang itira ko ang bola ay sumablay ito. Sinalo naman nito ang bola at pinasa sakin pabalik.

 

"Mga... eight months na," nakangiti pa rin ito.

 

"Ba’t mo pinasa?! One on one nga!" Pasigaw kong tanong at pinasa ng malakas sa dibdib niya ang bola.

 

"Aray! Teka, bakit ba galit na galit ka? Ano bang nangyari?" Mahinahon pa ring tanong nito.

 

"Sorry. I’m just pissed."

 

"Bakit nga?"

 

Bumuntong-hininga na naman ako bago nagpasyang kumprontahin 'to. "Kay fine. Naiinis ako sayo," kasabay ng paghampas ng malakas ng bola sa sahig.

Miss AstigWhere stories live. Discover now