Ika-apat na Sulyap

Start from the beginning
                                    

"Hay nako Summer. Sa sobrang sipag mong mag-aral ni hindi mo na napapansin yung mga walang pasok na days. Gosh Summer. Half-day lang tayo ngayon. Walang pasok sa umaga. Mamaya pa ang pasok. Gosh!" Ano?! Paanong-

"In-announce kahapon hindi ka nakikinig dahil busy ka kasusulat ng kung anu-ano. Yung sa assignment nga na dapat sa bahay ginagawa diyan mo na ginawa sa school. Gosh! Sinira mo ang pagbu-beauty rest ko. Sige na mamaya na lang. Bye girl! Meet ya laturr." Sabi pa niya bago siya nawala sa linya. Bagsak ang balikat kong napatingin sa orasan na nasa phone ko.

Meron pa kong three hours para tumunganga. Yung mga lectures namin ngayon. Na-advance study ko na. Ano pang gagawin ko ngayon?

"Wanna go out? Mamaya pa naman yung pasok." Lumingon ako sa kanya. Naabutan kong pinapaikot niya pa yung ballpen niya sa kamay niya saka siya tumingin sa'kin ng may ngiti sa labi.

"T-teka. Bakit ikaw? Ang aga mo pumasok. Hindi mo rin ba alam na half-day?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa'kin saka niya inilapit yung mukha niya na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa'kin.

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang sa katititig ko sa'yo hindi ko narinig yung announcement." Nahihibang na yata talaga 'tong lalaki na 'to. At ako naman ni hindi ko magawang pagbawalan. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Sa halos araw-araw naman na may lalaking lumalapit sa'kin mas mainam pa yung mga ngiti niya na lang yung nakikita ko.

Ang weird.

"Tss. Baliw. Saan ba maganda pumunta? Ikaw ba? Ayaw mo bang turuan na lang kita sa nga lectures na hindi mo naabutan?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya at halatang pinipigilan yung pagngiti.

"Hindi ko alam. Kung maga-aral naman tayo mabo-boryong ka lang din panigurado. Labas na lang tayo. Halika." Hindi pa ko nakakapagsalita. Hinila niya na agad yung kamay ko at sabay na kaming lumabas.

"Akin na 'yan" sabay kuha niya rin sa bag kong hawak-hawak ko kanina.

"Teka sandali. Ano namang gagawin natin?" Huminto siya. Hinarap ako at inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Napigil ko tuloy yung paghinga ko at bahagyang nanlaki pa yung mata kong nakatitig sa mga ngisi niya.

"Let's stroll together. Let's get to know each other." 'Yun lang at kumindat na siya't nauna nang maglakad sa'kin. Automatiko namang sumunod yung mga paa ko.

Hindi ako yung tipo ng babae na mahilig sa ganito. Pero bakit sa kanya? Para akong sunud-sunuran?

"Sa labas na lang din tayo mag-lunch para 'pag pasok natin diretso na tayo sa room. Fine with it?" Tanong niya pa. Tumango ako na parang wala sa sarili at sa pangalawang beses nagpahila na lang ako sa kanya. Bahala na kung saan kami mapunta. Siya naman nakakaalam sa mga ganito.

"You like this one?" Napabalik ako sa sarili ko nang tanungin niya ko. Nasa loob na kami ng mall at marami na ring tao. Kadalasan mga estudyante at government employees yung mga nakikita ko. Nasa harap na kami ngayon ng ice cream booth kung saan nakalatag doon yung maraming flavor na pagpipilian.

"Custard flavor for two." Hindi niya na siguro nahintay yung isasagot ko kaya siya na yung namili. Pagkatapos niyang iabot sa'kin 'yon binayaran niya na 'yon saka kami naglakad na ulit.

"Madalas ka ba rito?" Wala sa loob na tanong ko habang inililibot ko yung paningin ko at dinidilaan yung ice cream na hawak ko.

"Nope. Napuntahan na oo. Pero paminsan-minsan lang kapag may tinatakasan ako." Napahinto ako sa pagdila saka tumingin sa kanya.

"Bakit? Kriminal ka ba?" Tanong ko sa kanya. Humalakhak naman siya kaya hindi ako magtatakang may nagtitinginang mga tao sa amin.

Bago niya pa iyon sagutin niyaya niya muna ako sa isang bench na malapit sa kinatatayuan namin.

"Madalas ko lang talagang takasan yung mga taong ayaw kong makasama. Ikaw ba? Mukhang ngayon ka lang napunta rito ah." Sabi niya pa sabay patuloy sa pagdila ng ice cream niya.

Mariin akong napalunok. Inihilig ko yung ulo ko saka ko kinalma yung sarili ko. Argh! Pati ba naman yung ginagawa niyang 'yon napapatigil ako?!

"A-ah.. Ano kasi eh.. Madalas kasi akong mag-aral kaya walang time magpunta sa ganito. Madalas ngang mag-reklamo yung mga kaibigan ko dahil hindi ako nakakasama kapag gusto nilang gumala. Hindi naman kasi ako ganong tao." Hininto ko yung ginagawa ko. Saka ako luminga sa kanya. Pero mali na namang galaw 'yon dahil naabutan kong nakangisi siya't nakatingin sa'kin.

"Talaga? Anong nangyari ngayon? Bakit sumama ka sa'kin?" Dinidilaan ko pa yung ice cream sa labi ko nang mga oras na 'to. Hindi ko naman maintindihan kung anong itsura ko dahil napatitig ako sa kanya habang nasa labi ko pa rin yung dila ko.

"A-ah..ah..ano nga kasi 'diba? Wala naman na kong lectures na aaralin. Kaya para hindi naman maburo ako sa school. I-ikaw naman.." Sabi ko pa sabay inihilig ko yung ulo ko sa kung saan hindi niya makikita at napapikit ako ng mariin.

"Ah.." Humalakhak naman siya ng mahina saka nagpatuloy sa sasabihin. "..you don't need to stutter, Summer. Alam ko namang hindi iyon yung totoong dahilan."

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now