Chapter Nine: If We Hold On Together

Start from the beginning
                                    

Isang weekender bag lang dala ko. I stuffed whatever clothes I could stuff from my closet without thinking about it. Habang papunta ako ng Makati, kausap ko na si Erika. Si Eric daw papunta na. Yun lang actually naintindihan ko sa usapan namin sa phone dahil puro siya kasi, dahil, bwisit, bakit in between ng mega hagulgol nya. Tiningnan ako ng Uber driver sa salamin dahil rinig ang iyak ni Erika over the phone. "Nanganganak kaibigan ko," sabi ko kay Mr. Uber na, in fairness, ay may ichura. Mukhang siya ang may-ari ng sasakyan. So tinanong ko siya habang nagli-litany si Erika. Oo daw sabi ni Mr. Uber. Siya may-ari ng sasakyan at ngumiti. Nadistract ako. Lalong hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Erika.

"Ang lakas ng sigaw ng kaibigan nyo, Miss," sabi ni Mr. Uber.

"Oo nga eh, triplets kasi at normal delivery. Minumura ang asawa," sabi ko. Natawa ako pagkatapos kong sabihin yun. My imagination is very fertile kahit walang dilig yan ever ha.

Pagdating ko sa room, aba andun na si Eric. Nakatayo by the window, tinitingnan ang view sa labas. Hindi ako makapasok dahil andaming bags na nasa may pintuan.

"Dito na ba tayo titira? Why did no one tell me?"

"Gaga. Weekend lang," sabi ni Eric habang palapit sa akin at kinuha ang mineral water na binigay sakin sa reception. Binuksan nya at uminom siya.

"Salamat sa pagkuha ng tubig ko ha. Yan kasi yung mabigat sa dala ko," sabi ko.

"You're welcome, dear," sabi ni Eric, sabay turo sa kama kung saan nakahiga si Erika at mukhang tulog. Yung tipong tulog after bagyuhin. Ang gulo ng hair, puffy ang mukha, at nakahilata na parang na-drain lahat ng buhay sa kanya.

"Kanina pa yan iyak ng iyak," sabi ni Eric.

"Oo nga e. Kausap ko siya sa phone kaso wala naman akong mainitindihan," sabi ko. "What happened?"

"Akyat na muna tayo. Baka may pagkain at inumin sa lounge. Let her rest and I'll fill you in all the gory details," sabi ni Eric.

So akala ko naman kung ano. Like may cheating na ganap or may asawa yung dini-date ni Erika. Right after Eric and I sat down, and while waiting for our tea and coffee, I asked him what happened.

"Wala," sabi niya, sabay flick ng imaginary bangs nya at cross ng legs. In moments like these, lumalabas ang kabadingan ni Eric.

"Anong wala? Wala ba yun? Parang ni-rape si Erika sa pagka-haggard ng itsura niya," sabi ko.

"Wala ngang nangyari," sabi ni Eric, sabay thank you sa nag-serve ng coffee (for him) and tea (for me) namin. "The guy just texted her na ayaw na nya."

"Were they even together? Like together-together?" tanong ko. Ang sarap ng tea na may milk. Tapos may pastries pa. Feeling ko nasa English countryside ako as long as hindi ako titingin sa labas.

"They were getting there," sabi ni Eric. "I think Erika was just waiting for the right moment. Alam mo naman si girlfriend, kelangan pati ang pagpasok sa relationship dapat perfect moment."

"Ayan tuloy, kaka-paasa nya nawala ang moment," sabi ko absent-mindedly. Busy ako kumain eh.

"Oh, I'm sorry, were you talking to a mirror?" sabi ni Eric.

Bigla akong napatigil, namutla at nanlamig. Did I just say the thing that I needed to hear? Sometimes, I believe that there's a woman inside me. The one I swallowed when I was growing up. And once in a blue moon, lumalabas siya ng hindi ko namamalayan, especially on days when I'm confused and cannot make sense of things.

"Oops," sabi ko. "Mas maganda naman ang nakikita ko sa mirror kesa sa nakaharap sakin ngayon. May real boobs."

"Wow, nasa mukha ang boobs?" sabi ni Eric, sabay tawa ng malakas. "Anyway, tinawagan ni Erika, pero NR si guy. And that's not the worst part. The worst part is, napa-I love you si Erika. Kaya ganyan si girl. Wasak. Sabi ko nga sa kanya, wow, girlfriend, lagyan natin ng stamp na desperate ang forehead mo!"

Laging Stop ang Pag-ibigWhere stories live. Discover now