CHAPTER 16 ~ Warning ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay." sabi ni King na pumalakpak pa para kunin ang atensyon namin. "I'm Lucas Daryll King, asawa ang pinakamagandang babae sa mundo na si Freezale King, a proud dad, inhumanly handsome, a man than can make a woman combust with just a glance, a man with a voice that sounds like midnight sex, a man-"

Naningkit ang mga mata ng lalaki nang bigla na lamang humikab ng malakas si Harmony na inosenteng tinignan lang si King. "What?"

"Nabobored ka ba sa napakaganda ko na introduction?" tanong ni King kay Harmony.

"Oo." walang pagdadalawang isip na sagot niya. Naglakad siya papunta sa kinatatayuan nila King at pagkatapos ay inilabas niya ang mga drumstick niya. Umakto siya na ipapalo iyon kay Thunder at King na mabilis na umilag at lumayo. Tumaas ang sulok ng labi ng dalaga at sumaludo sa amin habang hawak pa rin ang drumstics. "I'm Harmony. I'm still not a member of Royalty because they're too stubborn. Gusto muna nilang makita ang diploma ko."

"Oy ako muna!" angal ni Thunder.

Hindi pinapansin ang lalaki na nagpatuloy si Harmony. "But my brother's birthday is near, kaya iniimbitahan namin kayo sa 'Paige's Night Life' para sa gaganapin na mini concert. No entrance fee. It's for free."

"That rhymes. Amazing!" si Thunder ulit.

Pinaikot ni Harmony ang mga mata niya at nilapitan niya si Fiere na titig na titig sa kaniya. May kinuha siya sa bulsa niya at inilagay niya iyon sa harapan ni Fiere at Aiere. "Pakipamahagi na lang. Bye."

"Hoy! Bumalik ka dito! Ikaw dapat ang magpapamigay niyan!" sigaw ni King pero nakalusot na si Harmony sa kusina kung saan mayroon pa na isang daan palabas ng restaurant. "Tumatanda na ata ako dahil sa isang iyon."

Muli akong napatingin kaila Snow ng makita ko na tumayo ang babae. Nakangiting nagpaalam si Snow at walang lingon-lingon na naglakas palabas ng Craige.

"Snow!" tawag ni Phoenix sa babae.

Akmang dadaan si Phoenix sa gawi namin pero hinarang ko ang stroller ni Ale at tumayo ako. Malamig ang tingin na tinignan ko ang lalaki. "Let her be."

"Stay out of this, Storm."

Kumilos siya para lagpasan ako pero muli lang akong humarang. Nawawalan na ng pasensya na binigyan niya ako ng matalim na tingin pero hindi ako nagpatinag. Things like that doesn't bother me anymore.

"Let her be."

"I said-"

Bahagya kong itinabi ang stroller. Kaagad na kinuha iyon ni Hermes at sumusukong tinignan na lang ako. Ibinalik ko ang paningin ko kay Phoenix. "Hindi ka ba nakakaintindi ng ingles? Pabayaan mo muna ang pinsan ko."

"Ano bang problema? Maputla si Snow. Baka may sakit na naman iyon-"

I moved closer to him. "Are you stupid?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano-"

"Kilala mo ako noon Phoenix pero ang pinakaimportante, kilala mo ako ngayon. Ayokong naagrabyado ang pamilya ko. So if you won't stop, I'll give you two choices. I'll kill you..." tumingin ako sa kinauupuan ng fiance niya. "Or I'll kill her."

"Storm!" awat ni Hermes.

Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako patungo sa kusina. Tulak tulak niya din ang stroller ni Ale. Nang makapasok kami roon ay galit na humarap siya sa akin. "What was that?"

"Nothing."

"Storm, wag na tayong makielam sa kanila. Hayaan mo na sila sa kung ano ang gusto nilang mangyari sa buhay nila. May sari-sarili tayong problema."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon