CHAPTER 16 ~ Warning ~

Start from the beginning
                                    

Gusto kong makipagtalo sa kaniya pero alam ko na tama siya. Naiintindihan ko. We can't do anything because it's not our decision. Laging iginigiit ni Snow na magkaibigan sila ni Phoenix. Lahat kami hindi iyon ang nakikita. At ngayon alam ko na malinaw na sa kaniya kung ano ang totoong nararamdaman niya. I can see it in her eyes. Kahit anong gawin niyang tago, nakikita ko.

Maswerte pa nga si Snow. Dahil siya nagkaroon ng laban. Kung pinili niya lang na magpakatotoo sa sarili niya masaya na sana siya ngayon. Hindi katulad ng iba na sa simula pa lang talo na.

"Storm?"

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na ngumiti ako. "I'm sorry. I was lost in my thoughts."

Mataman niya akong tinignan bago siya nagsalita, "She was lucky to have that chance. Iyon ba ang iniisip mo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Mind reader ka na din? Oo iyon ang nasa isip ko. Pero totoo naman di ba? Hindi lahat nagkakaroon ng pagkakataon na katulad ng sa kaniya."

"Paano kung ikaw ang nasa kalagayan niya?"

Nilaro ko ang nakasabit na laruan sa stroller ng natutulog na si Ale. "I'll probably take my chance."

"And what if the result is not what you expected?" he asked.

"Then I'll try to accept it." I twirled the toy in my hand. "No matter how hard that is."

"Paano kung nagkaroon ka ulit ng isa pang tyansa pero sa pagkakataon na ito ay sa ibang tao? A new love?"

Tumingin ako sa kaniya at direktang tinignan ko siya sa mga mata. "If I love that new guy then I will tell him."

Mapait na ngumiti ang binata, "Sana nga ganoong kadali. Ang daling sabihin pero ang hirap gawin."

"Life is too short, Hermes. Mula ng magmulat ako ng mga mata sa pangalawang buhay ko iyon ang nasa isip ko. Na kailangan kong gawin lahat ng kailangan kong gawin. Na para bang isang segundo na lang ay aagawin na sa akin ang buhay na mayroon ako. I guess that's not too bad. It made me realize a lot of things."

Akmang magsasalita pa si Hermes ng bumukas ang pintuan ng Craige's at pumasok ang isang grupo. Napuno ng ingay ang restaurant dahil sa mga guests na animo mawawalan ng ulirat sa nakitang mga pumasok.

Royalty.

Unang pumasok si King. Sa kaliwa niya ay nandoon si Archer na nakahalukipkip, sa kanan ay si Thunder na pakaway-kaway sa mga babaeng guests. Sa likuran naman nila ay nandoon si Rushmore na naiiling na lang...at si Harmony.

Napataas ang kilay ko at nilingon ko si Hermes. "Bakit siya kasama?"

"You still remember about Comet, her brother?"

"Yes of course."

"Siya ang papalit. Pero dahil bata pa siya noon natigil muna ang mga projects ng Royalty dahil kinakailangan din muna na mag training ni Harmony."

"Bakit hindi na lang sila kumuha muna ng pansamantalang drummer?" tanong ko ulit.

"King refused to do so. Alam niyang gugustuhin ni Comet na si Harmony ang pumalit sa kaniya. That girl has a lot of potential."

Muli kaming napatingin sa grupo nila King ng bigla na lang kumanta si King ng isang mataas na parte sa isa sa mga kanta niya.

"Naks, King. May pinapauso ka na naman ah." natatawang sabi ni Thunder.

"Ganoon talaga kapag pogi."

"Sabagay naiintindihan kita. Pogi din kasi ako." sabi niya at kumindat sa mga babaeng guests na para bang inaasinan na bulate. "Right ladies?"

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now