Twenty-seventh Kiss ∞

13.9K 269 6
                                    

Waaaahhh I miss you all! Ang tagal ko talagang mag-ud XD Ok dahil kaka-anniversary lang namin ni watty. 4 chapters ang update ko. Kasi nga basta XD

Eto na yung 1st ud.

Vote, comment and enjoy.

***

-Lynd-

 

 

Napatigil ako sa pag-inom ng marinig ko ang pangalan na yun. Ang pangalan na kinamumuhian ko simula nung bata pa kami.

“Lynd?!”

Hindi ko sya pinansin at tinuloy ko nalang ang pag-inom. Gusto kong kalimuntan ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong may humila sa akin patayo.

Tiningnan ko sya at nagulat ako sa itsura nya. Duguan at puro pasa ang mukha.

“Lynd!!”

Umiiyak sya.. umiiyak ang Kuya ko.

-flashback-

 

 

“Kuya pag umiiyak ba ang isang guy eh bakla na?”

 

 

Biglang natawa si Kuya sa tanong ko. May nakakatawa ba dun?

 

 

“Hindi, kapag umiiyak ang isang lalake, ibig sabihin nun sobrang nasasaktan sya kasi ang lalaki kahit gaano kasakit hindi umiiyak yan kasi parang pangit sa part nila pag umiyak kaya pag nakita mo silang umiiyak ibig sabihin nun nasasaktan sila ng sobra-sobra”

 

 

-end-

 

 

“Lynd.. Nagagalit ako sayo kasi galit ka sa akin. Galit ako sayo kasi kahit anong gawin ko hindi mo ako kayang mahalin bilang kapatid. Galit ako sayo galit na galit!!!”

Nagulat ako sa sinabi nya.

Sobrang nasasaktan ko pala ang kuya ko. Akala ko masaya sya kasi nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Matalino sya, gwapo at mabait. Lahat gustong-gusto sya kaya galit ako sa kanya. Lagi nalang kaming pinagkukumpara.

“Nasaktan ako nung tinulak mo ko at iniwan. Buti nalang may nagligtas sa akin. Nawalan ako ng alaala pero nagbalik din. Mas lalo akong nagalit nang malaman ko na ikaw ang mahal ng babaeng mahal ko!!! Oo nakukuha ko lahat pero hindi naman yun ang gusto ko. Gusto ko ng normal na buhay ng katulad ng sayo.”

Pumatak yung luha ko pero agad kong pinunasan. Mahal nya si Yna. Mahal ko din sya.

T*ng*nang buhay to. Lagi nalang akong pinapahirapan.

“Pero... nakita ko si Yna kung pano sya masaktan. Nakita ko si Yna kung paano ka nya mahalin.. Alam kong nasasakal ka na sa kakasunod sa akin dati, hanggang ngayon pa ba pahihirapan kita. Mahal ko si Yna, oo pero mas mahal ko ang kapatid ko”

Niyakap ko si Kuya. Ganun pala ang nararamdaman nya pero hindi ko alam. Naging masama din pala akong kapatid.

“HEEEEEEEEPPP!!! ANO BANG NANGYAYARI?! CARE TO EXPLAIN?” -Ate Ella

***

1 week later

 

 

-Yna-

 

 

“Yna.. nakatulala ka na naman. Akala ko ba ayos na si Lynd at Aero? Bakit kayong dalawa di pa din ayos?”

Napatingin ako kay Yosh. Oo nga halos isang linggo na din silang ayos at nag-iba na din si Aero. Bumalik na sya sa dati. Pero kami ni Lynd?? Wala, back to basic.

“Girl naman, dapat ikaw naman ang gumawa ng move ngayon. Hindi naman lagi na si Lynd lang ang nage-effort. Ayyy nako ka-stress kayong dalawa, one week na tuloy tayong walang photographer!” sabi nya at lumabas na.

Haayy, effort? Ako?

Siguro nga tama si Yosh. Sobrang dami nang nagawang effort sa akin si Lynd at ako naman puro sakit lang ang binibigay ko sa kanya. Siguro ito naman yung time para ako naman ang gumawa ng move para magkaayos kami.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang isang number.

Lynd... magkakaayos din tayo ulit.



***



Yung apat na dedications na natitira magsabi lang sa gusto XD

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon