Twenty-third Kiss ∞

16K 282 15
                                    

Wahahaha 2nd update.

Vote, comment and enjoy.

***

-Yna-

 

 

“Tara date tayo!”

Kanina pa ko kinukulit nang isang to. Nakaka-irita na. Valentines daw kasi at kailangan naming mag-date. Ano naman ngayon kung valentines? Eh para sakin ordinaryong araw lang to na kailangang magtrabaho.

“Busy ako.” sagot ko sa kanya pero alam kong hindi pa din to titigil. Kapatid yata nito ang kakulitan eh.

“Nakita ko yung sched mo at wala ka namang shoot at wala ka ding client ngayon”

Hay hahanap at hahanap talaga ng butas tong lalaking to.

“Magsho-shopping kami mamaya ni Frances”

“Kaka-shopping lang natin kahapon ah. Saka busy din ako no” biglang singit sa amin ni Frances.

Hindi man lang nakisama. =_____=

“Lalabas kami mamaya ni Yosh” sabi ko ulit.

“May date ako teh. Pagbigyan mo na kasi yan, wag ka ngang bitter.” singit din ni Yosh.

Eehhh? Mga kaibigan ko ba talaga sila? Hindi man lang nakisama. Great.

“So? Ano na? Kahit sinong ayain mo dyan lahat yan may kanya-kanyang date. Ako? Free na free ako at single at ikaw lang ang nagmamay-ari.”

Nagsihiyawan lahat ng nakarinig sa sinabi nitong epal na si Lynd na to.

Kailangan talaga may ganun?

“Sige na, oo na. Tumigil ka na dyan” walang buhay kong sabi pero ang totoo nyan masaya ako.

***

“San mo ba ko dadalhin?” tanong ko kasi kanina pa sya drive ng drive dyan.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissWhere stories live. Discover now