Chapter 1: The Beginning.

5.9K 149 23
                                    

Watch the Video at The Right Side. Thank You!

FRANCIS P.O.V

"Baaaaaaaaaaggggggggg.."

Tanging ingay na lamang ng ambulansya at mga taong nagkakagulo sa paligid ang narinig ko kasabay ng mala-slow motion na pagbagsak ng aking katawan sa semento.Kasunod nito ang pagpikit ng aking mga mata.

Dama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko sabay ng mga mala-anghel na boses sa paligid ko.

Masarap pakinggan ang mga boses sa paligid ko. Masarap lasapin ang hangin kung san man ako narooon ngayon pero..

pero nasan ba ako?

Dinilat ko ang mata ko nang may biglang humawak sa Kamay ko.
Bumungad ang isang Mukha na may ngiti sa kanyang labi.

Pinagmamasdan ko lang ang Matanda na nakahawak sa kamay ko ngayon na nakasuot ng mahabang puting Damit.

"Anak, Halika may ipapakita ako sa'yo" Nakatingin lang ako sa mata niya habang akay-akay niya ako kung saan man kami pupunta.

"Anak,ano ba ang nagawa mo nung nabubuhay ka pa?" Tanong Niya sa akin habang nililibang ko ang aking mga Mata sa mga batang masayang naglalaro.

Ano daw? Nabubuhay ako? Teka..

Buhay pa ako diba?

Hindi ako sumagot sa tanong niya kasi naguguluhan ako. Inilapit niya naman ako sa ulap, sinenyasan lang ito at tumambad sa amin ang parang malaking parang Screen.

ano 'to floating screen? napailing nalang ako sa naisip ko

Pinakita niya sa akin ang Umaapoy at madaming Tao na humihingi ng Tulong.

Mga Taong hinihila ng malademonyong may sungay na kulay pula at ang iba naman ay nasusunog na.

Mas lalo ako naguluhan sa pinakita niya.

Sino ba siya? Magtatanong palang sana ako nang hinawakan niya ako sa bandang Puso at ang mukha niya ay naging malungkot.

"Sa dami ng mga araw na ginawa ko para sayo, hindi mo na ko kilala dahil sa dami ng mga kasalanan na nagawa mo. Kinalimutan mo ako. Lagi kitang tinatawag pero wala kang ginawa kundi balewalahin lahat ng iyon Anak."Naging Matamlay naman ang boses niya.

Tumingin ulit ako sa Taong humihingi ng Tulong at Umiiyak.

eto ba ang sinasabi nilang Impyerno?

"Tama ka anak ,yan nga ang impyerno" Sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Siya ba ang tinatawag nilang Panginoon?

Pero bakit ako nandito.

"Kung ikaw ang Panginoon , bat hindi mo sila kayang Iligtas?" sabi ko sa kanya. Kung siya nga ang panginoon bat di niya kayang iligtas ang mga tao na yan.

"Anak, niligtas ko sila" napahinto siya at tinignan ang mga tao na humihingi ng tulong sa kanya.

"Sila ang Namili ng kapalaran nila Anak. Binigyan ko sila ng pagkakataon para magbago pero.."

"Pero ano?" Nakita ko naman na may pumatak na sa likido sa mata niya.

"Ginawa ko ang Lahat para hindi sila mapunta sa kalagayan na yan pero sila ay nabigo at sumunod sa maling daan" sagot niya.

Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ako nandito. Marahil ba na...

Napasapo ako sa Noo ko 'Hindi.. hindi pwede na' .. Tumingin ako sa Lalake sa harapan ko.

"Anak"

"Hindi pa ako Patay diba? Hindi pa diba?" sigaw ko sa kanya. I can't control my temper.

"Anak,huminahon ka" Bigla naman nagbago ang nasa himpapawid.

Napatahimik ako nang makita ko ang sarili ko na nag-aagaw buhay sa hospital dahil sa aksidente na nangyari. Umiiyak naman si Mommy kasama si Daddy.

Napatikom ako ng Kamao ko at kinagat ang Labi ko para pigilan ang Pagtulo ng mga Luha ko.

"Hindi! Hindi pwede. Sinungaling ka ibalik mo ako! Hindi pa ako Patay!" sumigaw na ako dahil hindi ako naniniwala sa mga nakikita ko. Napaupo na din ako. Hindi na kinaya ng Tuhod ko sa sobrang hina na.

"Anak" hinaplos niya ang Mukha ko at Niyakap. Humagulgol lang ako sa iyak. Hindi pa ako Patay.

"Wala ka manlang ba nagawang maganda nung nabubuhay ka pa?"

I hate my PARENTS...

I hate all of them ...

In Short, Pariwara na ang buhay ko.

"Pakikurot nga ko, Nanaginip lang naman ako diba!?" Pasigaw na sabi ko.

"Magsalita ka di pa ko PATAY!"
niyugyog ko ang paa ng matandang nasa harapan ko ngayon.

Hindi siya Umimik .Tinulungan niya ako sa Pagtayo at Hinawakan ang Kamay ko. Pinunasan niya ang Luhang patuloy sa pagtulo.

"Anak, Makinig ka" Tumitig siya sa aking mga Mata at ang mga guhit sa labi niya ay nakangiti. "Pumikit ka Anak" utos niya kaya pumikit nalang ako at Hinawakan niya ako sa Right Chest ko.

"Ibabalik kita sa lupa para itama ang lahat pero hindi na bilang Francis. Simula ngayon Val na ang Pangalan mo, Pagkatapos ng 365 araw na pagtira mo sa lupa at hindi mo pa natatama ang lahat wala na ako magagawa kundi hayaan ka kunin ng dyablo. Pangalawang buhay mo ito , Pangalawang pagkakataon para magbago anak. Sana magawa mo ang MISSION mo at sana wag mo na ako biguhin." Rinig kong bulong niya sa Tainga ko.

___________________________________

Author's Note :

Hai! This is my First Story and I hope suportahan niyo ako. Salamat sa magbabasa at balak magbasa ng story ko.

-Shael Rysel

365 days of Living ( Under Revision )Where stories live. Discover now