Part 1

7.3K 95 3
                                    


Before i introduce myself ibabalik ko muna kayo sa mga panahon na walang wala ako

Hindi naman kasi ako pinanganak na mayaman katulad ng iba

Hindi naman kilala ang pamilya ko, simple lang ang buhay ko

Nay papasok na po ako

Hintay lang anak pababa na ang nanay

Ang tagal naman ni nanay eh hmmp

Nay malelate po ako nan, 8:35 first subject ko

Ito na anak

Nakita ko ng bumaba si nanay

At nasa likod naman niya si tatay nakangiti sila pareho

Ang weird naman nitong dalawa

Nay ano po ba yung sasabihin nyo ni tatay

Biglang may nilabas silang box na nakabalot

Nay ano po ito?

Ibinigay niya sakin ang box na nakabalot

Anak sige na buksan mo ng malaman mo
Ano ba naman kasi to? Baka mamaya bomba? Joke lang hihi

Ng mabuksan ko ang nakabalot na box nakita ko ang isang box ng iphone

At nanlaki ang mata ko dahil iphone 4s yun

Ma?

Tapos napatingin nalang ako sa masayang mukha ng nanay at tatay ko

Anak since college ka na gusto lang namin ng tatay mo na ibigay yan sayo, dahil wala naman kaming regalo nung grumaduate ka ng highschool

Saka anak mahal ka namin ng nanay mo wag mong kakalimutan yun

Nakatingin lang ako sa dalawang blessing na binigay sakin ng diyos

Bigla akong lumapit sa kanila at niyakap sila

Mahal na mahal ko po kayo nay, tay, hayaan nyo po pagbubutihan ko pa po ang pag- aaral, balang araw gaganda din ang buhay natin, pangako po yan.

Basta wag mong kakalimutan anak na nandito lang kami ng nanay mo, kahit naman wala tayong binabayaran sa tuition mo dahil scholar ka e di ibig sabihin na wala ka ng pagkakagastusan, lahat gagawin namin ng nanay mo para matupad mo ang nasira naming pangarap.

Alam mo naman na ikaw nalang ang pag-asa namin anak, ng itanan ako ng tatay mo hindi ko na inisip ang mangyayare samin basta masaya ako kapag kasama ko siya

Ano ka ba Cynthia? Edi kung sana hindi ka nakipagtanan wala tayong anak na gwapo

Lahat nalang kami napatawa sa sinabi ng tatay

Hayaan niyo nay, tay, ako po ang mag aahon satin sa hirap, na kahit na ayaw sa atin ng lolo at lola okay lang po, dahil in time matatanggap din nila tayo.

O hala anak pumasok ka na at malelate ka na sa unang araw mo anak

Ay! Oonga nay, sige po nay, tay, alis na po ako

Umalis na ko at excited na sa unang araw ko sa baging eskwelahan

College nga diba? Kaya eto ako papasok sa isang room

Magulo ang mga tao at halata sa kanila na magkakakilala na sila

Uhm . . May nakaupo po ba dito?

The Arise of Mr. NobodyWhere stories live. Discover now