BOOK 4 > Ch. 16 ~ COULD HAVE BEEN~

Start from the beginning
                                    




" Naku kuya Nathaniel, 'wag niyo na nga po akong matawag tawag na Ma'am! Bisita lang naman po ako dito sa Hacienda ni Axe. Tsaka sige po, maliligo lang ako saglit. Gusto ko po sana pumunta ng pinakamalapit na mall? May bibilhin lang po sana ako bago ako pumunta kina Zep. "




Kagabe pang sinipat ni Elizabeth ang refrigerator at ang mga groceries na nakalagay sa maluwag na kitchen ng mansion at sobra sobra pa sa ingredients ng paggawa ng strawberry pie ang nakita niya dito. Nahulaan ni Elizabeth na imposibleng magkulang ang kusina ni Axe. Bukod sa farm ay hindi ito nagkukulang sa pag-update ng mga groceries at bigas sapagkat dito rin niya mismo kinukuha ang mga pangluto para sa mga tauhan niya sa farm. Ngunit naisip ni Elizabeth na bilhan ng kahit na ano ang pamangkin ni Zep na si Zavannah bilang nagkataon din pala na kaarawan ng bata.


Umakyat siya sa kanyang kwarto at mabilis na naligo. Nang matapos makapag-shower sa ilalim ng maligamgam na dutsa na nagpapa-relax ng kanyang nerves. Malamig sa area kung saan naipatayo ang mansion ni Axe. Hindi na kinakailangan pa buksan ang Aircondition sapagkat sa bawat sulok ng bahay ay mararamdaman ang nanunuot na lamig. Nang makatapos ay isinuot ni Elizabeth ang regalong pink dress sa kanyan ni Julianna at putting flat doll shoes. Nang tingnan niya ang kanyang sarili sa human size mirror ng kwarto ay bahagya siyang namangha.




Elizabeth thought she looked better. Younger. Rejuvenated. Her clear and much glowing skin tells it all. Her pinkish cheeks speaks it. Her twinkling eyes reveals them. And yes, thanks to her shorter hair that emphasizes her neck and most stunning profile.




Pakiramdam nga ni Elizabeth ay bumata siya ng mga sampung taon at parang pinagbibigyan siya ng kanyang anak, ni walang makakapagsabe na siya ay halos patapos na sa kanyang first trimester sa pagbubuntis. Ang tanging lumalaki lang sa kanya ay ang kanyang balakang at dib-dib. Maliban duon ay parang flat pa din ang kanyang puson. Bumagay kay Elizabeth ang pink na dress. Ni hindi siya nag-make up. Kahit ang kanyang labi ay mamula-mula.


Nagpahatid si Elizabeth mula sa mansion hanggang sa bukana ng Hacienda gamit ang golf car na ang nagda drive ay si Nathaniel. Nagsabe ito sa kanya na hintayin sa harapan ng gate si Mang Damian at sasamahan siya nito makapamili sa bayan, bago pa siya nito ihatid sa Hacienda ng mga Hidalgo.


Kasalukuyang nakatayo si Elizabeth sa labas ng gate, nang mamataan niya ang paparating na tinted na kotse na dina-drive ni Mang Damian ay lumapad ang ngiti niya. Umupo siya sa passenger's seat at dali daling sinuot ang seatbelt.




" Kuya, sa mall muna po tayo. May bibilhin lang ako saglit. Tas direcho po tayo kina Zepellin sa kabilang Hacienda. "




" As if you will have that tiny chance to even set foot on that fucvking property! Try me, Elizabeth! I dare you, try me! "

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now