[37] Because maybe, you're gonna be the one that saves me.

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi man lamang kami nag-imikan sa loob ng kotse kanina. Ito na ata talaga ang pinaka-awkward sa lahat ng awkward moments namin. (-.-’)

“Patch.” Napatingin ako kay Sage nang bigkasin niya ang pangalan ko.

Wow! Ngayon ko lang napansin na ang gwapo ni Sage ngayon. Naka-polo lang ito na bukas ang dalawang buttons. May suot rin itong leather jacket. He looks so hot tonight.

“Ano yon?” I asked him. Nakakailang. Ugh.

“You look beautiful tonight.” With that he removed his gaze.

Whew. Ang puso ko. Kanina pa DugDug ng DugDug. Kumalma nga kayo. That’s not the first time na nabigyan ako ng compliment e. But, the way he said it, kakaiba sa pakiramdam. Ugh!

I smiled at him. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa muka ko. Grabe! Kinikilig ako? Kinikilig ba ako? Eto ang epekto ni Sage sa akin. Grabe!

“Thank you.” That’s all I could say.

“Hey Patricia!” Sinalubong agad ako ni Denise. Nakipag-beso ito sa akin. Grabe! Ang ganda pa rin talaga. Namiss ko ang loka-lokang ito. “You look gorgeous!”

“You too. Beautiful as always.” I handed her my gift. Nagkamustahan kami saglit at nagpaalam siyang babatiin niya muna ang ibang mga bisita.

Hindi ko nga agad sa kanya naipakilala si Sage e. Nasa likod ko lang siya, mukang nagbabantay. Para tuloy siyang body guard. Nakakaloka!

Naka-upo lang kami ni Sage dito sa tabi. Wala akong masyadong kakilala bukod kay Denise. Yung iba naman niyang mga kaibigan, pinapansin kami. I mean, nagpapapansin pala sila kay Sage. Haha. But seriously, they’re kind and friendly. I find them nice. Ineentertain naman nila kami dahil wala nga kaming kakilala.  

Ang ingay sa bar na to. Malamang. Isang beses pa lang akong nakakapasok sa bar. Sa Pacific pa, doon sa bar ni Zion. Ang pinagkaiba nga lang, may special place ang barkada sa Pacific kaya hindi gaanong expose sa ingay. Pero dito talaga, naamoy ko ang mga usok ng sigarilyo, ang mga halo-halong amoy ng alam, at ang nakakarinding musika. Grabe. Kakaiba.

Kapag inikot mo ang tingin mo, they’re some couples making out. Kung hindi ko lang childhood friend si Denise, hindi ako pupunta dito. Hindi rin ako magsusuot ng ganito. May dress code kasi. Girls should wear dress. Ito na ang pinaka-appropriate kong dress sa party na ito. At isa pa, hiling ni Denise na magsuot ako ng dress na sexy. I chose this dress, kasi likod lang ang medyo revealing. Though, nakakailang pa rin at nakaka-conscious.


“Ma’am, tequila?” Alok ng waiter sa akin. Kukunin ko na sana ang glass kaso inunahan ako ni Sage. Nakakainis. Kumuha kaya siya ng kanya.

“Iced Tea lang ang sa kanya.” Tapos binigyan ako nung waiter ng Iced Tea. Umalis na rin ito agad at nag-alok ng drinks sa iba.

I frowned at Sage. “Akin dapat yan.”

“No way. I promised your dad na hindi kita hahayaang uminom.” He smiled, playfully. Parang may naalala siyang nakakatawa. “Nakakaloka ka kaya kapag lasing. So no alcohol tonight.”

“I am supposed to enjoy the night. Painumin mo na ako kahit kaonti lang.”

“No.” Tipid niyang sagot. He smirked na lalong ikinainis ko. Pero ang sunod niyang sinabi ang nagpa-init sa muka ko. “The last time you drink alcohol, sinabihan mo akong mahal mo ako. Baka mamaya, sa iba mo pa masabi yon.”

Naalala ko tuloy ang araw na iyon. Nakakahiya talaga. Tae. Kinikilabutan ako. I confessed! Gahd. Nasabi ko ba talaga yun? Akala ko panaginip lang lahat.

“Okay.” I rolled my eyes at him. Kakainis e!

“Hi, Guys!” Lumapit sa amin si Denise at umupo sa tabi ni Sage. Isa-isa niya kaming binati. At nang mapansin niya ang anonymous guy na katabi niya, napataas ito ng kilay. “I’m Denise. You are?” Shet. Alam ko na to. She’s seducing Sage.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon