Chapter 2: The Beginning

93 6 0
                                    

Jenelle's POV

*phone ringing*

Haysstt! Ano bayan. Umagang umaga tatawag. The hell.

"Hello?!" Yan tuloy. Highblood na naman ako. Tsk.

"Hinaan mo nga yang boses mo! Nakakabingi eh." Sabi ni chloe.

"Ikaw kasi eh! Natutulog pa tayo dito biglang tatawag. Kainis."

"Natutulog ka pa?! Seriously! May klase kaya tayo ngayon. Late kana nga eh." Weh? May pasok. Di ko alam eh. -_-

"Then? So what." Tsss. Un lang pala yung tinawag niya eh. May pasok.

"Ayy? So ganun? Hindi ka papasok?" Tanong ni chloe.

"May sinabi ba ako? Diba wala." Nakakainis, wala naman tayong sinabi na hindi ako papasok ah. Tsk.

"Edi ikaw na! Pumunta kana dito at late kana sa first subject natin." Siguro nasa cr to , kaya nakatawag.

"Whatever." Sabi ko at binaba na ang phone call.

Naligo na ako at hindi na kumain kasi male-late na talaga ako. Kahit naman ganito ako may pakealam ako sa grades ko noh.

Nagpahatid nalang ako sa driver namin para hindi ako matagalan. Nung dumating na ako sa school, tinginan na naman sila saakin. Parang first time nakakita nang tao eh.

"Hi miss." Sabi nung lalake, hindi ko naman kilala pero parang ka year ko lang rin.

"Hi." Buti nalang di ako snob. Hahaha.

"Halaa, diba si jenelle yan? Yung pinakamatalino dito sa university." Sabi nung babaeng di ko kilala.

"Oo nga. Parang first time niya lang yata nalate diba?" Sabi naman nung kasana nung babae.

Isa pa to eh. Kabadtrip. Pake nila kung late ako? Tss. Nagulat sila na nakatingin ako sakanila kaya naman umalis na sila.

Naglakad nako papunta sa room ko at pagka pasok ko tinginan na naman sila saakin. Malamang, late ako eh.

Dumiretso na ako sa upuan ko. Buti nalang hindi masyadong strikto yung prof namin.

"Pst." Sabi ni chloe. Ay, nandito pala siya. Hindi ko napansin.

"Oh?" Taas kilay kong sabi.

"Bat ngayon kalang?" Mahina niyang tanong. Baka kasi mapagalitan kami eh.

"Malamang nag ayos pa ako. Hindi na nga ako kumain ng breakfast eh. Eto kasi, panira." Sabi ko, sabay irap.

"Tsk tsk. Whatever. Haha." Sabi ni chloe.

Buti nalang natapos narin yung class, lunch na pala ngayon.

"Bes, saan tayo mag lu-lunch?" Tanong ni chloe.

"Kahit saan nalang." Sabi ko.

"Okaay." Sabi ni chloe.

Pumunta nalang kami sa may garden, tutal wala naman masyadong tao doon. Kaysa sa cafeteria. Ang daming students.

Kumakain na kami ni chloe nang parang may napansin akong lalake doon banda sa may puno, nerd na ewan. Parang nakatingin saamin eh. Problema nun? Ewww.

"Uyy. Bes. Tingnan mo yung lalaking nerd parang nakatingin satin." Sabi ko.

"Syempre, sino paba titingnan niya eh tayo lang naman yata yung kumakain dito." Sabi niya.

"Ayy edi wow." Walagya. Hahaha.

Hindi ko nalang pinansin yung lalake at kumain na. After ng lunch may isang subject nalang tapos uwian. Parang gusto ko yatang mag mall after class.

"Bes. Mag mall tayo? Gusto ko mag shopping eh." Sabi ko.

"Sige, anong oras? Kita nalang tayo doon." Sabi ni chloe.

"After ng class. Sabay nalang tayo pumunta doon. Punta ka sa bahay namin after mo mag bihis. Okay?" Buti nalang at mabait ako sakanya. Haha.

"K fine." Grabe, ang bait talaga. Kinakausap ng maayos eh.

After ng lunch bumalik na kami sa room. Buti nalang tapos na yung class. Kaya naman dumiretso na ako sa bahay namin, at umuwi narin muna si chloe.

Pagkadating ko sa bahay naabutan ko sila mama at papa sa salas.

"Hi ma, hi pa. Asan si kuya?" Tanong ko.

"Umalis yung kuya mo eh." Sabi ni mama.

"May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni papa.

"Opo pa. Sige po, akyat na muna ako sa taas." Sabi ko at umakyat na para mag ayos.

Pagkatapos ko mag ayos ay hinintay ko nalang si chloe. Nung dumatin na siya dumiretso na kami sa MOA.

Nang dumating na kami doon, sinabihan ko agad siya na pumunta kami sa mga boutique. Kaso ang boring masyado kaya pumunta nalang kami sa food court.

"Ano bang masarap kainin?" Tanong ko.

"Pizza." Sabi ni chloe.

Umorder kami ng pizza. At humanap na ng mauupuan, buti nalang madami pang vacant seats.

Pagkatapos namin kumain parang nakita ko ulit yung lalaking nerd na nakatingin samin kanina nung nag lu-lunch kami. Umiwas nalang ako ng tingin kasi tumingin siya. Wala naman akong pake sakanya.

"Uyy!" Ano bayan?! Nangugulat!

"Oh?! Problema mo?" Tanong ko.

"Wala. San ka ba nakatingin?" Tanong rin ni chloe.

"Wala wala. Halika na. Uwi na tayo." Sabi ko at umuwi na kami.

Nang makarating ako sa bahay dumiretso na ako sa kwarto.

Iniisip ko yung lalake kanina, yung nerd.

Sino kaya yun? Ang panget eh. Haha.

The HeartbreakerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora