Chapter 1: Completely Broken

209 5 1
                                    

Jenelle's POV

Flashback

(2 years ago)

"Drew!!" Ano bayan, ang bilis bilis tumakbo ehh. Pag nahabol ko siya lagot siya sakin. "Pag ikaw nahabol ko lagot ka sakin! I-delete mo na kasi yan! Ang pangit eh! Ish!" Kasi naman eh, ang pangit pangit ko dun sa picture ko tapos kung kani-kanino niya pa pinapakita, nasa park pa naman kami. Ang daming tao.

"Hahaha, ayoko nga! Kiss muna!" Sabi ni drew.

"I-kiss mo mukha mo! Haha." Bahala siya diyan. Parehas na kaming college ni drew, architecture kinuha ko, siya naman business management.

Sa kakaisip ko, hindi ko napansin na may bato pala doon kaya nadapa ako. "Araayy. Langyaaa!"

"Hala! Sorry jen!" Alalang sabi ni drew.

"Okay lang, di naman masakit eh." Sabi ko. "Drew, pwedemg kumain muna tayo ice cream bago tayo umuwi?"

"Sige ba, andun si manong oh." Sabi ni drew. Sakto andun si manong sa gilid nang mga swing.

"Manong pabili nga po ng ice cream, yung chocolate po." Sabi ko kay manong.

Inabot na samin ni manong yung ice cream tapos umupo muna kami doon sa bench.

"Drew, wag mo kong iiwan ha? Kasi masasaktan ako at mamimiss kita lagi. Wala na akong kasamang kumain nang ice cream at kasama sa mall pag gusto kong mag ikot, lalong lalo na, mawawala na yung taong nag papasaya saakin." Ewan ko bakit ko yun nasabi pero natatakot akong mawala siya sakin.

"Bat mo naman yan naisip jen? Syempre hinding hindi kita iiwan kasi mahal na mahal kita." Sabi ni drew at hinalikan ako sa noo.

Ilang araw na ang lumipas simula nung araw na iyon. Ngayon, magkikita kami ni drew sa restaurant nang kaibigan niya, na nasa MOA lang.

"Mang mark, pahatid nga po sa MOA" Sabi ko sa driver namin nang makasakay ako sa sasakyan.

After ng ilang minutes dumating na din ako sa MOA, pumunta na ako sa sinasabing restaurant ni drew. Hinahap ko kung nasan siya pero hindi ko makita. Nung tumingin ako sa may dulong bahagi nang restaurant nakita ko siya kasama ang parents niya at isang babae na hindi ko kilala, maganda siya, matangos ang ilong. Parang kasama din ata yung parents nung babae.

Lumapit ako sa table nila at napansin ako nang nanay ni drew. Hindi nila alam na girlfriend ako ni drew kasi kakauwi lang nila galing sa america at hindi sila parati nag uusap ni drew.

"Drew, siya na ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong ng mama niya.

"Yes ma. Siya nga po." Hindi ko maintindihan bakit yun yung sinasabi ni drew, pero hinayaan ko nalang. Baka naman ngayon niya na ako ipakikilala sa parents niya.

"Hi iha, ako pala ang nanay ni drew, call me tita Martha nalang. Halika't maupo ka dito" tinuro niya yung bakanteng upuan na nasa gitna. Umupo na ako doon at tiningnan si drew. Hindi ko maintindihan anong meron ngayon. Sabi niya kaming dalawa lang raw eh.

"Hello po tita, nice to meet you. Ako nga po pala yung--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang sumingit si drew. Sasabihin ko na sanang girlfriend eh.

"Ma, siya po yung kaibigan ko na nag ta-take ng architecture. Baka matulungan niya tayo." Sabi ni drew.

"Great iha. Matutulungan mo kami mag design ng bahay para kay drew at sakanyang future wife. Diba Maris?"

"Yes mom." Nakangiting sabi nung babae.

Anong nangyayari dito? Bakit ikakasal na si drew? Kala ko ba sakin lang siya? Anong nangyari?

"Drew! Ano bang sinasa--" bigla niya akong hinila palabas.

"Excuse us muna ma." Sabi ni drew.

"Ano bang nangyayari drew?! Pwede pakisabi na saakin kasi naguguluhan na ako! Anong ikakasal kana?!" Wala akong pake kung sino na nakatingin saamin, basta nasasaktan ako.

"Pwede ba tumugil kana jenelle?!" Grabe ang sakit, ngayon ko lng narinig na tinawag niya akong jenelle. "Ikakasakal nako kay Maris! Mahal ko siya, niloko lang kita. Were over." Sabi ni drew.

"Drew! Sabihin mo sakin na hindi yan totoo. Hindi ka pa ikakasal kasi ako yung mahal mo diba? Sabi mo sakin hindi moko iiwan." Sabi niya ako lang. Anong nangyari?

"Were over. I dont love you. Si Maris ang mahal ko kaya layuan mo na ako." Bigla nalang siyang umalis at iniwan ako. Ang sakit sakit. Isang araw masaya kami, sabi niya hindi niya ako iiwan tapos kinabukasan sasabihin niyang ikakasal na siya? Nag jo-joke ba siya kasi hindi nakakatuwa.

Tinawagan ko si chloe para mag pasundo. "Chloe, pasundo dito sa MOA." Nanginginig parin yung boses ko kasi naiiyak parin ako. Hindi ako makapaniwala na iiwanan niya na ako, na hindi niya ako mahal, na tapos na kami.

"Umiiyak ka ba jen?" Kainis naman, natatandaan ko na naman si drew dahil jan sa nickname ko.

"Mamaya ko na sasabihin. Basta sunduin mo na ako." Sabi ko.

"Okay, hintayin mo ako sa parking lot." Sabi niya. Binaba ko na yung call at parang zombie na naglalakad papunta sa parking lot. Ilang minuto lang dumating na din si chloe. Pinasakay niya na ako sa kotse niya.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya.

Sinabi ko na lahat sakanya.

"Jen, kailangan mo rin mag move on." Sabi ni chloe.

"Alam ko, pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya. Chloe, ihatid mona ako sa bahay. Gusto kona magpahinga " gusto ko nang umuwi para mapag isa, at makapag isip ng maayos.

Pinaandar na ni Chloe ang sasakyan, nung dumating na kami sa bahay nagpaalam na ako sakanya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at takang nakatingin sakin ang kuya ko at mama ko. Wala pala si papa kasi nasa trabaho pa yata niya.

Nag lock lang ako sa kwarto ko buong mag damag. Iniisip kung bakit niya ako iniwan.
Makalipas ang ilang araw, hindiparin ako lumalabas nang kwarto, at kumakain. Nag aalala na sila sakin.

Bigla nalang nag ring yung cellphone ko.

"Hello. Jen? Sabi sakin ni tita amanda ilang araw kana nag kukulong jan? Ano ba yan best? Pwede bang kumain ka rin. Hindi porket heartbroken ka, mag papakamatay kana!" Sermon sakin ni chloe

"Yeah, whatever." Sabay patay ng phone call. Tama rin naman siya. Kailangan kong mag move on. Nag aalala na sila saakin, after all this year hindi niya pala ako mahal. Masakit pero kailangan kong maging matapang. Hindi niya pala ako mahal ah? Ipapakita ko rin sakanya na wala lang siya sakin. Wala siyang kwentang tao. I can move on and manage to live without him.

Flashback ends

The HeartbreakerWhere stories live. Discover now