[UN-VIVID VALID]
Devin's
"Hey Kyle, you're early," sabi ni mom nang makarating ako sa kusina. Mukhang kagagaling lang niya sa palengke kahit na alasingko pa lang ng umaga.
Nakagawian na niya iyong gawin tuwing umaga para mag-asikaso ng makakain namin bago kami pumasok. And once everything was settled, she'd be off to the restaurant where she worked as a chef. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa araw-araw. Kung ako 'yon baka nakahiga pa ako sa kama, probably questioning my entire existence.
Sumandal ako sa counter at pinanood si mom na linisan ang mga gulay na pinamili niya. Bigla ko namang naalala kung pa'no itrato si Zoelle ng mama niya—na malayong-malayo sa kung paano kami asikasuhin ng nanay namin.
Napaayos ako ng tayo at naglakad palapit kay Mom at niyakap siya mula sa likod.
"Oh, Bakit?" tanong niya.
"Just felt like hugging the best Mom in the whole universe," sabi ko.
"Awe. Thank you." Humarap siya sa akin para halikan ang pisngi ko. "Naku, ang guwapo-guwapo talaga ng panganay ko!" sabi nito.
I groaned as she squished my face. "Mom. Oxygen. You're restricting airflow to your firstborn."
Natawa siya bago ako tuluyang bitawan. "O'siya, tutal nandito ka naman na. Make yourself useful. Tulungan mo akong asikasuhin 'to."
Ngumisi ako. "Sus, ang dali-dali lang n'yan eh. Pa'no ba?"
Natawa ito bago itinuro sa akin ang dapat na mga gagawin. Tinulungan ko siya sa pag-aasikaso ng makakain namin hanggang sa makababa sila Divine para mag-umagahan.
Lesson of the day? Never underestimate a mother's definition of "helping."
~*~
Dumiretsyo ako sa cafeteria nang matapos ang huling klase ko sa umaga. Napansin ko na wala pa ang mga kaibigan ko sa loob kaya ako na lang ang naghanap ng mauupuan namin dahil ako naman ang nauna.
Nagsimula na akong kumain dahil pinaplano ko na umalis din kaagad para puntahan si Zoelle sa usual spot niya dahil hindi ko pa siya nakikita rito sa Cafeteria—probably avoiding the usual jerks who made it their life's mission to mess with her. Can't blame her. Kahit ako, ayoko rin sa lugar na 'to.
Sa kalagitnaan ng pagnguya ko sa pagkain ay bigla na lang umupo si Jake sa tabi ko nang hindi man lang ako binabati.
"Sama gising?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya at nagsimula na ring kumain. Alright then. Someone woke up on the wrong side of the bed.
'Di nagtagal ay dumating na rin sila Tyrone at Gian na may seryosong expression. Anong meron?
Nang makaupo si Gian sa upuan ay kaagad siyang tumingin sa akin. "Oh ano, kamusta 'yong babae?" tanong niya at agad naman akong napaisip kung sinong babae ang tinutukoy niya hanggang sa maalala ko na iniwan ko nga pala sila rito sa Cafeteria kahapon para hanapin si Zoelle.
"She's fine," sagot ko at muling nagpatuloy sa pagkain.
"A Cervantes again, huh?" rinig kong sabi ni Tyrone dahilan para matigilan ako sa pagnguya at tumingin sa kanya.
Tumingin siya sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko.
"You seriously making this a thing?" tanong ko
Nakita ko naman na umiling si Tyrone habang kumakain pero hindi siya nagsalita. Si Jake naman ay nagkibit-balikat lang.
"Is that the reason why you're acting like you care for her?" tanong ni Tyrone. "Because she's a Cervantes?"
ESTÁS LEYENDO
Not a Bad Thing (EDITING)
RomanceASHWELL UNIVERSITY SERIES #01 [COMPLETED] He's curious because she is so mysterious. She avoids him because she thought it is a bad thing. --- There's this girl on campus with crazy wild hair that everyone calls 'The Campus Witch.' She's got this v...
