22: CONNECTION RELATION

547 24 14
                                        


[CONNECTION RELATION]

Devin's

Halos isang linggo na ang nakakalipas simula no'ng gabi sa Golden Feathers--'yong gabi na pumunta ako para makita si Zoelle.

Hindi ako pumunta ro'n para kausapin siya, o guluhin siya. I just wanted to see her, to hear her sing. Pero no'ng nakita ko siya, alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nilulunod ko na ang sarili sa alak no'ng gabing 'yon. Because of the endless thought that the girl I want all this time is someone I can never have.

Dahil tanga ako, sobrang duwag ko para aminin sa sarili ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya. At ngayon... huli na.

She's with Drake. And I'm just that idiot who didn't figure it out sooner.

Mabilis na humampas sa sistema ko ang mga katanungan: Bakit hindi na lang ako? Bakit kailangang si Drake pa? What makes him so special?

I couldn't remember everything that night because of the alcohol. Pero naalala ko na may sinapak ako dahil sa sakit ng kamao ko no'ng gabing iyon. Naalala ko rin na siya ang nagmaneho sa sasakyan ko at hinatid ako sa bahay namin.

And I remember asking her the most pathetic question. Tanong na mas lalo lang nagpalala ng lahat. Ano bang gusto kong patunayan? Why did I even want to know if she ever felt anything for me when it's so painfully obvious she's into him?

Ngayong araw ang birthday ni Zoelle. And this day is meant to celebrate, pero ito ako, nalulunod sa pagsisi sa lahat ng katangahan na ginawa ko.

Ilang araw na nilang pinaplano ang surpresa para kay Zoelle, dahil noong isang araw lang nabanggit ni Drake na ngayon ang birthday ni Zoelle. Nag-volunteer na ako na lang bibili ng cake hindi dahil sa gusto kong tumulong, pero dahil kailangan ko ng palusot para makahanap ng regalo para sa kanya.

Siguro 'yong bagay na kayang ipakita sa kanya 'yong hindi ko kayang ilagay sa salita.

Nag ikot-ikot ako sa mall habang bitbit ko ang binili kong cake nang makita ko ang bagay na 'yon: isang malaking Rilakkuma na plushie. Halos kasing laki ito ng pang-itaas kong katawan.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan iyon, pinag-iisipan kung iyon na ba ang sagot sa panalangin ko. I remembered she kept a smaller version of this. She loves these things.

Pero hindi ba masyadong nakaka-agaw ng atensyon kung ito ang ibibigay ko? Wouldn't it be too much? Too obvious? At isa pa, hindi naman ako 'yong boyfriend para bigyan siya ng ganito.

Nanatili akong nakatayo do'n, at hindi ko maiwasang isipin ang imahe niya habang yakap ang malaking stuff toy na 'to. Imagining her face lighting up with that smile I can never get out of my head. That's why in that moment, I knew. Magugustuhan niya 'to.

And I realized it wasn't about what was appropriate or what anyone else might think. It was about making her happy on her special day.

So I bought it.

Hindi ko alam kung may mababago ba sa regalo na 'to, o kung magiging isa na naman 'tong paalala kung gaano ako ka-imposible sa kanya.

But I had to try. Because no matter how much it hurts, no matter how much regret weights me down, Zoelle deserves everything good in this world. Kahit na hindi ako 'yong binigyan ng karapatan para ibigay iyon sa kanya.

Mabilis akong umalis ng mall, hawak ang cake, at bitbit ang regalo ko na para bang ito na lang ang natitirang lakas ng loob ko.

Napagplanuhan na dapat 5:30 ng hapon ay nasa harap na ng bahay nila Drake at habang papunta ay hindi ko maintindihan ang kaba sa dibdib ko.

Not a Bad Thing (EDITING)Where stories live. Discover now