[QUESTIONS REFLECTION]
Devin's
"We're here," rinig kong sabi ni Drake dahilan para imulat ko ang mata ko at umayos ng upo.
Pagkatapos kong makita 'yong sketch ng mukha ko sa sketchpad ni Zoelle kanina ay hindi na ito nawala sa isip ko kaya sinubukan ko na lang matulog. Pero kahit na nakapikit ang mata ko ay iyon parin ang iniisip ko.
Obvious naman na wala lang iyon. Baka nag-prapractice lang siya at ako lang 'yong naisipan niyang... Idrawing.
—Pero bakit hindi si Drake? O si Alyx, kasi close sila? Bakit ako?
Tumingin ako kay Zoelle na inaayos ang gamit sa tabi ko. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya bumaling ang atensyon niya sa akin. Tipid siyang ngumiti bago umiwas at bumaling kay Alyx.
Umiling ako at inayos ang bag ko. Isa-isa kaming bumaba ng van at nagsimula ng hakutin ang mga dala naming gamit na nasa likod.
Nasa harap kami ngayon ng isang malaking bahay na may dalawang palapag. Wood and glass ang design, at forestry ang mood dahil sa mga puno at halaman sa paligid. Malawak din ang bakuran, ito siguro 'yong sinasabi ni Drake na campground.
Pumasok kami sa loob para dalhin sa kusina ang mga dala naming pagkain. Pagkatapos ay hinatak ni Cassie sila Zoelle sa second floor para raw mag-picture. Sumama sila Gian at Jake sa kanila habang si Tyrone ay nagpaalam na matutulog muna raw sa sofa kaya naiwan kami ni Drake sa kusina.
Tumingin ako sa kanya. Mukhang ngayon na lang ulit kami nagkasama na kaming dalawa lang.
"Nice place," sabi ko habang nilalabas ang mga gulay sa paper bag. Ako na ang magkukusa na magluto ng tanghalian namin dahil baka kapag hinintay ko pa silang matapos ay malipasan na kami ng gutom. "Buti pumayag si Tito Xander na ipagamit sa atin 'to?"
Tumango siya. "Yes. Actually he offered to drive us here but I refused," aniya at kinuha na rin 'yong ibang pagkain na kailangan ilagay sa refrigerator.
Napatango ako at pinagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa lugar. Doon ko nalaman na open pala 'tong bahay for public, para sa mga gustong mag-staycation. Kaya pala sobrang ganda at lawak ng lugar.
Pagkatapos no'n ay pareho ulit kaming binalot ng katahimikan. Sumilip ako sa kanya na busy sa pagaasikaso ng pagkain. Tumikhim ako bago muling magsalita.
"So... Zoelle, huh?" pagsisimula ko sa topic na 'yon.
Tumingin siya sa akin saglit. "Don't start that," aniya at tipid na ngumiti.
"Oh c'mon dude, we've been friends for ages." Sumandal ako sa sink. "Why you didn't tell me about her?"
Umiling siya. "Trust me, Devin. There's nothing to tell," aniya.
"Huh?"
Tumingin siya sa akin. "I did mention her to you before, you just probably forgot," aniya. Pinaningkitan ko siya ng mata at inalala 'yong sinasabi niya.
"But-"
"Xyndrex!" hindi ko na naituloy ang itatanong ko nang biglang may sumigaw no'n.
Si Zoelle na nagmamadali sa pagbaba ng hagdan at hindi na maipinta ang mukha habang hawak ang phone niya.
"What?" tanong ni Drake.
"You told my brother?" tanong ni Zoelle at lumapit kay Drake. "You fucking told Zian that I'm with you?"
YOU ARE READING
Not a Bad Thing (EDITING)
RomanceASHWELL UNIVERSITY SERIES #01 [COMPLETED] He's curious because she is so mysterious. She avoids him because she thought it is a bad thing. --- There's this girl on campus with crazy wild hair that everyone calls 'The Campus Witch.' She's got this v...
