[MIXED FIXED]
Zoelle's
"If I remember, will you come back to me?"
Hindi na nawala ang tanong na iyon sa isip ko. Ilang araw na rin ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay paulit-ulit ko parin 'yong naririnig sa utak ko.
Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at ramdam na ramdam ko ang sakit ng likod ko dahil sa mga plates na tinapos ko ngayong araw. Mabilis ko na nakita sila Zy at Guel na nasa living area at parehong may inaasikaso.
Nang mapatingin si Zy sa direksyon ko ay mabilis itong tumakbo papunta sa akin. Naging alerto naman ako bigla dahil baka madapa siya.
"Ate, I want to show you what I made! Kuya Guel helped me!" masigla niyang sabi sabay hila sa kamay ko.
Ngumiti ako sa kanya pero bigla kong napansin ang mata niya. Her eyes were slightly squinted, her brows knitting together like she was trying hard to focus.
"Zyrelle? Are you okay?" tanong ko at inilapit ang tingin sa mukha niya para makita ang mata niya.
Kumurap siya na parang sinusubukang ayusin ang mata niya bago ngumiti sa akin. "Yes, I'm fine."
Kumunot ang noo ko. "Are you sure? Maybe you should sit-"
But she was already pulling away. "No, no! I want to show you this one!"
"Zy-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang malakas niya akong hinila. Para bang sobrang excited siya sa gusto niyang ipakita sa akin.
Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit sa puwesto ni Guel kahit na nabobother parin ako sa mata ni Zy.
Guel was crouched by the coffee table, fiddling with the final touches of a small popsicle-stick house.
Kinuha ni Zyrelle 'yon para makita ko. "Ta-da! We made it together!" sabi niya at bakas na bakas ang tuwa sa mukha.
It was delicate and detailed, complete with a popsicle-stick fence and tiny windows.
Pero bigla na lang nagsimulang manginig ang kamay niya.
"Zyrelle?" My heart jumped into my throat.
Before I could reach her, her knees buckled.
"Zy!" Sabay naming sigaw ni Guel.
Mabilis akong lumapit sa kanya para saluhin siya. Nalaglag ang hawak niya at nagpira-piraso sa sahig.
"Zy! Hey, Zy, look at me!" Nagsimula nang manginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko siya sa bisig ko.
"Risz, let's go! We have to rush her to the hospital!" Hinawakan ni Guel ang balikat ko dahilan para matauhan ako.
Tumango ako. Tinulungan naman niya akong buhatin si Zyrelle. Pareho kaming nagmadaling sumakay sa sasakyan ko habang tinatawagan ko sila Dad at Zion.
"Z-Zyrelle, come on. O-Open your eyes, please," rinig kong mahinang sabi ni Guel sa likod habang buhat-buhat niya ang walang malay naming kapatid.
Fear clawed at my chest, heavy and suffocating.
Not again. Please, not again.
~*~
I hated hospitals.
I hated the way they smelled. The way they sounded. The way they reminded me of everything I had ever lost.
Lahat ng takot, luha, at sa lahat ng pagkakataon na umuupo ako sa mga hospital bench habang nagdadasal na sana may mangyaring himala. And right now, all of it was crashing down on me again.
YOU ARE READING
Not a Bad Thing (EDITING)
RomanceASHWELL UNIVERSITY SERIES #01 [COMPLETED] He's curious because she is so mysterious. She avoids him because she thought it is a bad thing. --- There's this girl on campus with crazy wild hair that everyone calls 'The Campus Witch.' She's got this v...
