Meira High: Leshy and Typhoeus

29.7K 880 48
                                    

Meira High: The forest spirit tree monster and the father of Hydra.

PATULOY kong naririnig 'yong tunog na ginagawa no'ng kakaibang nilalang na nagtatago sa itim na usok na nakapalibot sa amin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PATULOY kong naririnig 'yong tunog na ginagawa no'ng kakaibang nilalang na nagtatago sa itim na usok na nakapalibot sa amin. Hanggang ngayon, wala pa rin akong makita. Then, I didn't expect that someone will grab me from behind. Kinakabahan ako. Nakayakap siya sa akin at tiningnan ko ang mga kuko niya, matatalim ito. Isang maling galaw ko lang, maaari kong ikapahamak. Gusto ko man sumigaw ay hindi ko magawa. Dahil sobra akong natatakot. Ano'ng klaseng nilalang ang may hawak sa akin? Kinilabutan ako ng maramdaman kong lumapit siya sa tainga ko.

"Hisssss..." Pakiramdam ko namutla ako sa aking narinig. Naghahabol ako ng hininga dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.

"Guys, this thing... Hawak niya ako ngayon..." I tried to communicate with them using my inner voice.

"Anya! Nasaan ka?!" Alalang tanong ni Aiden. Siya yata ang naka-receive ng message ko.

"Hindi ko alam. Hawak ako ngayon ng isang nilalang na hindi ko alam ang itsura." Nanginginig kong sambit kay Aiden. Wala akong natanggap na sagot pabalik sa kanya. Kaya napapikit na lang ako ng mata ko. At narinig ko na naman sa tainga ko ang tunog na 'yon.


"Hisssssss..." Nagdadasal na ako sa isipan ko. Na sana may magligtas sa akin. Then all of a sudden, I saw a bright light. Ang liwanag ang naging dahilan, para makawala ako sa bisig ng kung ano'ng halimaw na may hawak sa akin. Nang lumuwag ang pagkahawak niya sa akin, agad akong tumakbo palayo sa kanya. Habang bahagya kong pinikit ang aking mga mata. Isang malakas na magick spell, ang nagpawala ng maitim na usok na bumabalot sa buong paligid. Humangin ng malakas at kumapit ako sa itinusok kong espada sa lupa. Tumagal ng ilang segundo ang malakas na hangin. Nang matigil 'yon, unti-unti akong nag-angat ng tingin. At nakita ko si headmistress Imogene. Kasama niya ang ibang mga teachers at ilang students. Siya ang nagpakawala ng malakas na spell na 'yon.

Nawala na ang makapal na usok at kitang kita ko na ang hitsura, nang nilalang na dumakip sa akin. Isa itong lalaki na ang hitsura ay malaking ahas. Maaari siyang maihalintulad kay Medusa. Mayroon siyang mga puting mata na akala mo ay isang lalaking possess. At naglalabas siya ng isang beam light sa kanyang mata. Nilabanan naman siya nila headmistress Imogene, teacher Darcy (wind rune, mage), Fiona (Earth rune, knight), Rheu (Fire rune, hunter) at Leo (Earth rune, rogue). Malakas ang lalaking ahas at hindi magawang makalapit ng mga teachers sa kanya.

Masyado akong naka-focus sa pakikipaglaban ng mga teachers doon sa malaking ahas. Na hindi ko namalayan na mayroong nilalang sa aking likuran. Narinig ko na lang ang kanyang pag-angil na nagpadaloy ng kilabot sa aking katawan.


"Grrrrrr...." Mabilis ko itong nilingon at laking gulat ko na makitang isa itong malaking wolf. Triple ang kanyang laki kumpara sa isang normal na lobo. Nakita kong dumadami sila dahil sa pag-summon sa kanila ng isang malaking halimaw. Isa itong malaking puno na may taas na labindalawang talampakan. (12 ft.) Nakakatakot ang itsura nito at may mga telang nakabalot sa kanyang katawan. Kung titingnan mo ito, para itong isang higanteng mummy. Pero kapag mas tinitigan mo itong mabuti, mapagtatanto mong isa itong puno.

Meira High: The New EraWhere stories live. Discover now