Mukhang nadala ang babae sa mga ngiti ni Yiorgos. Magsasalita na sana ito ng may biglang nagsalita. 

“What's happening here?” ani ng isang baritonong boses na kasalukuyang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.

Sa una ay hindi ito nakilala ni Timothy pero nang tanggalin nito ang shades na suot ay mas lumalim ang pagkakunot ng noo niya.

“Samuel Lim...” pabulong niyang banggit sa pangalan nito.

He clearly remembered this guy.

Ito lang naman ang walanghiyang manliligaw noon ni Abigale Marie. Kahit na alam nitong sa kanya na si Abigale Marie noon ay palagi pa rin itong nanggugulo.

“Long time no see, Vidales. Kamusta ka na?” lumapit sa kanya si Samuel at umakbay.

Inis na tinanggal niya iyon.

“Don't touch me asshole!” singhal niya rito.

He's still the same. The same annoying Lim.

Samuel grinned, “Asar-talo ka pa rin, Vidales. Hindi ka pa rin nagbabago.” natatawang sabi nito.

He glared at him. Feeling close talaga ang bwiset na 'to. Pinapainit nito ang ulo niya.

“By the way, what are you doing here my friend?”

F*ck! He's really getting to his nerves. Ang kapal ng mukha nitong tawagin siyang my friend. Never niyang magiging kaibigan ang unggoy na 'to. Itaga niyo 'yan sa bato.

“I'm not your friend!” singhal niya na naman rito. “Where is Abigale Marie?”

Medyo nagulat ito sa nadinig ngunit kaagad ding nakabawi. Umiling ito ng saglit saka ngumisi.

He frowned, he already know that kind of face. Alam niyang may hinala na ito kung bakit siya narito. Samuel is the next owner of this fucking company. Imposibleng hindi nito alam na dito nagtra-trabaho si Abigale.

“Bakit mo hinahanap ang girlfriend ko?” maangas na tanong nito sa kanya.

His eyes dilated from what he heard. Timothy's waiting for Samuel to tell him that was a joke but he only look at him seriously.

“ANONG SABI MO?!!!” sinugod niya si Samuel at kinuwelyuhan.

But Samuel didn't flinch away. He smirks at him.

“Sabi ko, bakit mo hinahanap ang girlfriend ko?” nang-aasar na pag-ulit nito.

Mas humigpit ang pagkaka-kwelyo niya rito. Halos gusto niya na itong sakalin gamit ang dalawa niyang kamay. Umaasa siyang sasabihin nito na nagbibiro lamang ito pero wala siyang nadinig. Sa halip ay pinamukha sa kanya nito ang naging pagkukulang niya.

“Bakit ano bang inaasahan mo, Vidales? Na hihintayin ka niya? Iniwan mo siya, ni hindi mo nga siya hinabol ng  umalis siya sa inyo. At sa loob ng anim na taon ay hindi ka nag-abalang hanapin o kausapin man lang siya.” seryosong sabi nito sa kanya.

Padaskol na binitiwan niya ito. He hates the idea that Samuel is right.

“Naka moved on na sa'yo si Abby. Masaya na siya ngayon sa piling ko.”

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now