11 meters

10.3K 345 9
                                    



Kinapa ko ang phone ko na nasa tabi ko lamang.



Shoot!



7am na!



Sinet ko 'to ng 5am! Badtrip!



Dali dali akong nag-ayos ng sarili.



Binuksan ko ang pinto. Napigil ko ang aking hininga dahil sa tumambad sakin.



Bakit hindi ko napansin kagabi?!



She stared at me emotionless for a second, stepped out of her room and walked away like she didn't even see me. Sinundan ko siya tingin.



Bumuntong hininga ako.



Walang violent reaction?!



Weird.



Sumabay na ako magbreakfast sa kanila. Nakakagutom yung pagkain nila. Ang kulit ni Emmie ng malaman niyang dito ako natulog. Dapat dun nalang ako sa kwarto niya at tabi kami.



Palabas na ako ng pinto ng salubungin ako ni Manong.



"Princess, tara na?"



Tatanggi pa ba? Maliligo at magbibihis pa ako pagdating sa dorm.



"Thank you Manong!" dali dali akong pumasok.



Pagkaupo ko saka ko lang napansin na nasa loob pala si Madam.



"Let's go Manong." sambit niya at pumikit.



I tried not to make a noise. Baka magalit but on second thought, pwede rin. Nakakapanibago yung ganito. Tahimik at walang nakakamatay na titig.



Hindi ko alam pero parang mas nakakatakot yung ganito. Wala kang idea kung anong pwedeng gawin niya. Ah basta! Ayoko nito!



Tumigil ang kotse sa harap mismo ng dorm.

Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon