6 meters

11.3K 348 38
                                    



Argh! Sumasakit ang ulo ko sa babaeng yun!



Ang dami niyang pakulo sa buhay! Pwede naman na ibigay nalang sakin ang sapatos then tanggapin ang sorry ko.



Pahirap siya sa buhay ko!



"Princess!"



Nabalik ako sa reyalidad sa tawag na iyon. Napansin ko ang isang Adam na may pagaalala sa kanyang mukha.



"Kanina pa kita tinatawag pero parang nasa ibang lugar yan utak mo! Tapos hindi mo pa sinasabi kung bakit bigla kang nawala kanina. Tell me, may problema ba? Ginugulo ka ba ni Ms. Ella?"



I sighed. "Wala ni hindi ko nga nakikita ang isang yun eh."



"Hmm oo nga no? Absent siya, that's a first since she transferred here two years ago."



Nakakapagtaka nga eh. Wala naman siyang ginawa kundi ang tumingin sa labas ng bintana kahit nasa kalagitnaan kami ng discussion. Ganun pa man, siya pa rin ang nangunguna sa mga exams, quizzes at activities.



Ang unfair lang ng buhay diba? Tss.



"What about your shoe?"



"Yun ba? Tsaka ko nalang kukunin kapag malamig na ang sitwasyon."



"Sure ka?"



"Oo naman. Tutal hindi ko rin naman alam kung san siya hahanapin."



"Okay."



Bakit ako nagsinungaling? Simple lang. Tinatamad akong magkwento.



"Teka, hanggang anong oras mo ba balak tumambay dito sa acacia?"



I shrugged. "Ewan. Anong oras na ba?"



"10minutes to five na."



"So that's 4:50 right?"



Tumango tango siya.



Bigla namang nagecho sa utak ko ang boses ng isang babae.



'5PM sharp. Not 5:30, 5:10 or even 5:01'



Napatayo ako.



"Oh? Anong problema?"



"Wala. I just need to be somewhere. Pasensya na but I need to go. Maiwan na kita ha?" I didn't wait for his reply and just stormed off.



Mga ilang sandali pa ay napahinto ako.



Shit! San ko hahanapin ang isang yun?! Wala naman siyang nasabi na lugar ah?



Aish! Ang sakit niya sa brain!



Wala akong choice kundi ang libutin ang buong school in less than 10minutes!



Juice Colored!



Tumigil ako sa tapat ng library para tingnan ang oras. I took my phone out.



3minutes?! Sheeez! Hindi pa nga ako nangangalahati sa school na 'to!



Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nagsimula na muling magahanap.



Tumigil akong muli ng makaramdam ng pagod. Mas malayo pa ata ang natakbo ko ngayon kesa sa training namin.



"You found me at exactly 5pm. Impressive."



Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon