5 meters

10.9K 354 32
                                    



Look to the left.



Look to the right.



I let out a breath that I have been holding since I came out of the dorm.



She's nowhere in sight.



Unti unti akong lumabas sa aking pinagtaguan. Buti nalang walang mga galamay yun, di katulad ng ibang mga bully.



She rules this school pero wala kang makikitang mga alipores niya. Siya lang mag-isa. Ni wala nga atang kaibigan iyon.



Kaya kahit papaano I'm safe as long as I won't bump into her. Nagsimula na akong maglakad at magdasal. Hindi ko nga siya nakita dito sa labas dahil malamang nasa room na siya. Classmate ko nga pala siya.



I was silently chanting na wala pa siya. Unti unti akong sumilip sa room namin. Pinagmasdan bawat isa na andoon.



Napabuga ako ng hangin nang hindi ko siya makita sa loob.



"Okay ka lang?" umikot ako at nakita ko si Adam.



"Hindi."



Nasa kanya ang isa sa mga importanteng gamit ko at idagdag pa na wanted ako sa kanya. There's no way in hell that I'll be okay!



"I'm sorry." sinsero niyang pahayag.



Bahagya akong ngumiti. "Wala kang kasalanan."



Wala na rin naman magagawa ang paninisi. Nangyari na eh.



Nagsimula ang klase na walang Ella ang nagpakita.



I guess, I will be safe for today.



Hindi naman ko takot sa kanya. Nagaalala ako sa pwede niyang gawin. Mayaman, malamang maraming koneksyon. She can easily destroyed my life if she wanted to. But I can't let that happen, hangga't maaari ayokong umabot sa ganun.



Tambay lang kami dito sa room habang nagaantay magring ang bell. Ang aga kasi kaming dinismiss ni teacher.



Abala ako sa pagtingin sa paligid nang may marinig akong usapan.



"May kakaiba ngayon kay Ms. Monteverde." saad ng isa kong classmate.



Pumasok siya? Asan yun?



Lumingon lingon ako para tingnan. Baka mamaya andyan lang pala sa tabi tabi iyon at naghihintay lang pagkakataon na gantihan ako.



Teka nga? Does she even know na ako yun? I mean, bago pa niya kami makita ay tumatakbo na kami kasabay pa nung iba pa naming kasama.



Nakahinga ako ng maluwag sa naisip.



"Oo nga eh. Hindi siya pumasok. Very unusual kahit na hindi naman siya masyadong nagpaparticipate sa klase eh perfect naman ang attendance niya." kwento naman ng isa.



"Ano ka ba? Hindi lang yun no! Nakita ko siya kanina dito sa school mismo bago magsimula ang klase. May hawak pa nga siyang sapatos ata yun."



Anak ng, baka yung sapatos ko!



"Ano yun? Hinahanap niya yung may ari ng sapatos? Cinderella lang ang peg?" natatawang komento ng isa pa.



Kelangan kong gumawa ng paraan para makuha iyon!



Ring!!!!!



Tumunog na ang bell. Dali dali kong niligpit ang gamit ko at tinahak ang daan palabas.



Run, Princess! Run! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon