Introduction (prologue part 2)

212 2 0
                                    

It is really funny every time I think about the past… I know you know what I am talking about. Paano naman kasi hindi eh sa tuwing nakikita ko si Aikin, yung terrier na gift ni Nikko sakin dati, instant flashback nalang yung lahat. Siguro kung may isang bagay lang na naiiba, yun ay yung hindi na ako nalulungkot, nasasaktan at nanghihinayang.

I have been waiting for this day to come, at mantakin nyo? That was two years. It took me two years to be able to feel as good as this again.

I am back DJ-ing. Pero this time, it’s required nasa course ko. Advance hands-on training na rin ito sakin, equivalent to 3 units for 3 semesters. Meaning to say, by third year second semester ko, tapos na ako sa training ko, habang yung iba eh magsisimula palang. Pero mahirap din kasi ito, hindi tulad nung high school, I was assigned to “Continuum Daily”. Yan yung daily news ng campus, ako every Monday morning.

I really love this job, honestly. Pero simula nung nakatrabaho ko yung bwisit na langgam na yun, parang mas okay pa ata na hindi ko nalang inaaccept yung advance training kesa every Monday morning eh nadadagdagan yung wrinkles ko.

FYI, hindi ito exaggeration lang, sagad sa buto talaga kasi yung kahanginan nung taong yon. Akala mo kung sinong magaling, kung sinong mabait, kung sinong matalino, at kung sinong napakagwapo! Kulang nalang ipakagat ko sya kay Aikin, kung nangangagat lang yun!

I keep on ranting about this to Wella, kaso lang sa tuwing nagsasabi ako inaasar naman nya ako dun sa langgam na yun!

“O sige ka nyan, diba si Nikko partner mo rin dati tapos naging kayo? Baka ito yung take two”

But nope and just no! Things could never happen the same way twice.

 

eh bakit? Umaasa ka pa rin bang magkikita kayo ulit ni Nikko? Paano kung hindi na? aasa ka nalang forever ganun?”

 

Bakit kapag best friend mo, palagi nalang ginugulo yung utak mo? Hindi ko naman maiisip ito kung hindi nya rin ipapaalala sakin. Asar lang.

Eh kayo ba? Kung mamimili kayo sa dalawa, sinong mas nakakalamang? Yung taong nasa past mo o yung taong posibleng nasa future mo?

Teka! Teka!! WHAT DID I JUST SAY?!?!

 

The heck!

Bakit ko ba kinoconsider yung bwisit na langgam na yun as my future, eh wala naman akong gusto dun??? AS IN NEVER!Kung ano-ano nang napapasok sa isip ko! Kasalanan to ni Wella eh!

I Haven't Gone Too Far (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon