Pig and Acceptance

142 14 26
                                    

Third Version

By StrwbrryJem

Naiinis ako sa mga bagay na akala mo pangmatagalan na. Iyong akala mo ay sa iyo na, iyon pala ay pinahiram lamang sa iyo.

Minsan nga iniisip ko kung bakit pa tayo binibigyan ng pagkakataon na makakilala ng tao na sa huli ay hindi rin naman pala magtatagal. Na kung bakit magkakaroon ka pa ng gamit na iyon na sa huli ay itatapon mo rin 'pag nasira o nakahanap ka ng bago. Na kung bakit kailangan pa umalis sa lugar na kinasanayan mo na ng matagal.

"Walang permanente sa mundo" Iyan ang sabi nila. Mukha ngang totoo iyon dahil wala namang forever.

Tignan mo, ikaw at ako. Pinaghirapan kitang makuha, pero anong napala ko? Noong akala ko e sa akin ka na habang buhay ay bigla ka na lang dumulas sa kamay ko at napunta sa iba. Masakit iyon, alam mo ba? Para akong nag-grocery na pang isang linggo, nag luto ng pagkain na para sa ating dalawa, inayos at pinaghandaan ang lahat, tapos 'pag talikod ko saglit, malalaman ko na iba pala ang makikinabang. Waiter lang pala ang role ko sa istoryang ikaw ang nagsulat at siya ang pinili mong leading man. Extra lang pala ako kahit na ang role na ina-applyan ko ay bilang kasama mo habang buhay. Wala lang pala ako sa buhay mo. Na agaw na ng iba ang bagay na inaasam-asam ko.

Matagal na kitang gusto, hindi ba halata? Binakuran na nga kita sa lahat ng may gusto ng atensyon mo e. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang mismong magpapapasok sa kanya.

Ano ba ang mayroon siya na wala ako? Pareho lang naman kaming nag-effort. Pareho lang naman kaming naghintay, sa katunayan mas matagal ako kaysa sa kanya. Pero bakit siya pa rin ang pinili mo?

Akala ko ako na. Akala ko ako na ang pipiliin mo, akala ko kahit paulit-ulit ang sinasabi ko e natutuwa ka pa rin sa akin. Ayun naman pala, tumatawa ka lang dahil para ang tanga sa ginagawa ko.

Bakit nga ba hindi ko iyon na-realize? Na mukha lang akong siraulo na umaasang ako ang pipiliin mo dahil sa tagal na andito ako sa tabi mo. Akala ko talaga ako na ang pipiliin mo, na gusto mo rin ako.

Puro lang pala ako akala.

Hindi ko lang talaga maisip kung bakit dumadating 'yung mga taong kagaya mo sa buhay ng mga kagaya kong tanga, alam mo iyon? 'Yung mga tao na pasasayahin lang kaming mga tanga saglit, uutuin at paiibigin sa inyo, pero in the end hindi naman pala kami ang pipiliin mo. Ano ito? Siopao zone? Binola bola mo ako, at ito ako ngayon. Asadong asado.

Ano ba ang tingin mo sa akin? Na may reset button na 'pag katapos pag-eksperimentuhan, paikutin sa kamay mo at mahalin ka ng lubusan ay pipindutin mo ang reset button tapos hahanap ng iba na paga-applyan mo ng natutunan mo? Ano? Na-prove mo ba kung gumagana ang research mo? Na kaya mong magpaibig ng taong kasing tanga ko pagkatapos ay iiwanan na lang? Sana nga may reset button na lang talaga ako para malimutan na agad kita. Kaso wala e. I love you button lang ang mayroon ako.

Pero sino nga bang niloloko ko? E kahit ano namang salita ko sa iyo, isang sabi mo lang ay babalik at babalik ako sa iyo. Ganyan ako katanga, ganyan ako kabaliw sa iyo.

Masama ang magmahal ng sobra, pero masama ba talaga iyon kung masaya ka naman habang nagmamahal? Oo masakit masaktan, pero naisip ko na ginusto ko rin naman ito. Dapat inisip ko na hindi porque andito ako lagi sa tabi mo e gugustuhin mo na lang na habang buhay na lang ako dito. Wala naman din kasi akong balak umalis e, pero sabi nga nila, walang permanenteng bagay sa mundo, lahat nagbabago, lahat pinapalitan ng bago. Tignan mo tuloy ako, tinapon mo ako pagkatapos mo akong gamitin. Pinalitan mo na ako ng mas bago. Bakit mo nga ba ako gugustuhin? Luma na ako, sino nga ba ang may gusto ng luma kumpara sa bago? Malamang bago ang pipiliin ng karamihan sa inyo. Pero paano naman ako? Ayaw kitang palitan, gusto ko sa iyo lang ako. Ayaw ko ng bago, gusto ko ikaw lang. Pero wala e, siya na ang gusto mo ngayon.

Beyond Fate and the Stars [Self-Published]Where stories live. Discover now