Of course she would never tell her father that.

"Basta lang..." She lowered her head

"Kung nahihiya ka magsabi don't worry ako na bahala." Her Papa tapped her back

"Papa naman eh... Wag na lang kase. I can review on my own." Pibi

"Mas effective pag may review buddy." Ayaw talaga magpatalo ng Papa nya.

"Busy yon... sigurado ako!" Pibi's secretly wishing na makumbinsi nya ang Papa nya.

"He's not. In fact ang Daddy pa nga nya ang nag suggest ng idea na to kagabi eh."

WHAT?! TITO RAMIL SUGGESTED THIS?! WHATDAFF! she shouted in her mind.

Napapikit na lang sya ng madiin at nang breathing exercise na tinuro ni Arci sa kanya everytime na gusto na nyang sumabog sa inis o galit.

"Okay. Just one day." She said

"That's all I ask." Her father smile at her.

"Can I go to Rox's?" Pibi

"Sure! Basta walang drugs don tsaka pre-marital sex and---"

"PAPA?! ANU BA?! YOU'RE GROSSING ME OUT!" She rolled her eyes on her dad

"What?! Just sayin!" Her Papa opened the TV and Pibi went upstairs to get her things.

"What do you want me to bring? Waffles?"

Sent to Roxanne.

Roxanne: SURE! Please bring nutella flave! See you! :-*

-----
Le Coffee and Pages.

Kakapasok lang ni Nathan sa bookshop. Tinaon nya talaga na ngayon pumunta kase alam nya wala si Pibi dito. Napadaanan rin naman sya ng gm ni Sean but he decided not to go. Reason? Malamang kase nandun si Pibi. After his confession last week, hindi nya alam pano magrereact pag nagkita ulit sila. He knows that he couldn't avoid her forever, magpapasukan rin at magkikita sila. He's not just ready yet.

Hindi sya sigurado kung bakit sya biglang napaamin. He's blaming it on the adrenaline rush he was feeling on that moment. Tapos Pibi was pushing him to tell her what's wrong with him. Ayun tuloy napaamin sya, at kahit mismo sa sarili nya nagulat si Nathan. Weird isn't it? Na ikaw na mismo nagulat pa sa sarili mong nararamdaman sa isang tao. Hindi naman kase sya fully aware na may gusto sya kay Pibi. Akala nya selfish at vain lang sya nung nagselos kay Sev, kase feeling nya may mas attractive na sa paningin ni Pibi kesa sa kanya. Kahit medyo napakawalang puso ng dating nya nung sinabi nya na,  he doesn't like her. Ang totoo nun, gusto nya lang gumanti kay Pibi,  kase nga nainis sya dun sa pagkakilig nito kay Sev. Pero nung naging close na si Pibi at Jom napansin nya na asar na asar sya makita na magkasama yung dalawa. He's not sure when and where this started basta ang alam nya, simula nung nakilala ni Pibi si Jom, he felt threatened. Yung tipong kahit walang ginagawa si Jom sa kanya nabubwiset sya sa muka nito. Kaya sinadya nya talaga na dun magreview sa booth nila Pibi nung sportsfest pang-asar lang. Gusto nya makita kung affected pa ba si Pibi pag nakikita sya na may kasamang iba. And he was quite satisfied with her reaction. Kaso lang nung soccer game na at nagkaharap sila ni Jom. Nafeel nya na mainit ito sa kanya napikon na rin sya. But what he couldn't believe was Pibi ran to Jom na kakakilala nya pa lang, at hindi sa kanya na long-time crush na nya.

"Hoy pangatlo mo na to ah. Di ka pa ba lasing?" Liv pushed his third cup of coffee

"If only this is an alcohol." he chuckled

Nakaupo si Nathan sa harap ng counter habang may hawak na libro.

"Don't worry hinaluan ko yan." Liv said. Nathan gaped at her.

SNIPPET OF A FAIRYTALEWhere stories live. Discover now