"Gosh! Kung nakita nyo lang guys! He hugged Pibi! LUCKY GIRL!" Andrea exclaimed

Pangiti-ngiti lang naman si Pibi.

Nagkatinginan kami ni Rox. Nafi-feel kase namin na there is something wrong with her. Pero mukang tinatago nya yon.

"So Pibs, ikaw what can you say about Sev?" Rox

Halata namang nagulat si Pibi na napansin sya bigla ni Roxanne.

"Huh? Ayun... ayos lang. He's really good! Tsaka nakakakilig sya." nakangiti sya pero wala yung dating twinkle ng mata nya everytime na kinikilig sya.

"Kelan pa naging 'ayos lang' si Sev sayo?" Ako

Napatingin naman sakin si Andrea na mukang nagtataka. Kahit kelan talaga ang dense nitong babae na to!

"What else could I say? Eh nasabi na lahat si andeng." her smile didn't even reach her eyes.

Akala namin buong maghapon lang sya ganun, pero dumaan pa ang mga araw, off pa rin si Pibi. Medyo worried na rin kahit sila Chino.

"Guys, can you sense na may problema si Pibs?" Chino blurted out habang nasa P.E. kami. Friday na nito.

"Oo nga eh. Nakikipag-interact naman sya kaso parang... alam mo yun, may iba talaga?" Ako

Nakatingin lang kami kay Pibi na kalaro ni Sean ng table tennis habang kami nasa bleachers.

"Baka magkaaway sila ni Nathan?" Andrea

Our eyes landed to Nathan, na naglalaro naman ng badminton kasama nila Zoey at yung iba naming kaklase.

"well napapansin ko nga hindi sila nag-uusap..." Rox

"Okay naman sila last week ah! Magkakasama pa nga kami sa shop nila Pibi." Andrea

"Kilala naman natin si Pibi, if she wants us to know about her problem, una pa lang sasabihin na nya. Hayaan na lang muna natin sya." Chino

Uwian na nung magkakasama kami sa grandstand. Nakatambay lang, balak magpadilim total friday naman, walang pasok kinabukasan.

"Nga pala, invite ko kayo sa birthday ni Ate sa sunday." Ako

"Yown! May mga college chix brad!" Chino. Magaapiran pa si Chino at Sean pero Rox threw Sean a sharp look and of course he back off.

"Wag kang B.I. Peppechino mauupakan kita." Roxanne

"Why do you guys keep on calling me by my first name whenever you get angry at me?!" frustrated na sabi ni Chino

Nagtawanan naman kami... Si Andrea naman kase ang nagpasimuno ng pagtawag sa kanya ng Peppechino.

"Basta, asahan ko kayo sa Sunday ha?" Ako

"Sure Arz." Andrea

"Hoy Pibi. Lutang ka na naman!" Zoey

"Ha? Anu ba kase?" Pibi

"Sa sunday kila Ramona!" Andrea

"O sige!" Pibi

Kung unang tingin lang naman, mukang walang problema si Pibi, but since matagal na kaming magkakasama kahit simpleng pagbabago mapapansin pa rin yon.

"Pibs, okay ka lang ba talaga kase---" Ako

"Guys! Si Nathan oh!--NATHAN! NATHAN!" Chino called him

Naglalakad si Nathan sa may oval, papauwi na, nung nakita nya si Chino. Lumiko sya to go to our direction.

I observe Pibi, at nung lumakad si Nathan papalapit samin, bigla syang naging stiff tapos parang agit na di ko maintindihan.

"Nathan, sa Sunday sa bahay." sabi ko naman pagkalapit ni Nathan

SNIPPET OF A FAIRYTALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon