Chapter 4

38 8 2
                                    


Fiona Colleen Pascual POV

What the?!

Pinakalma ko muna ang aking sarili.
Hingang malalim...

Buti naka shades sya!

Para kong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Napapatawa na lang ako sa aking isip dahil sa ikinilos ko.

" Ano ba? Ibaba mo nga ako! " impit kong sigaw.

Sukat ba namang buhatin ako na parang sa bagong kasal.

" Nangangawit na kasi yung kamay ko pero ikaw ay tulala lang sa sahig at nakangiti, samantalang kaharap mo na yung gwapo. " balewalang sagot nya at tumingin sa akin ng may malawak na ngiti sa labi.

Salamat na lang sa kanyang salamin na nakatulong upang mapagmasdam ko ang gwapo nyang mukha.

" Hey miss. Laway mo. " - sya.

Kinapa ko ng pasimple yung bibig ko nung dumiretso na sya ng tingin sa daan.

Wala naman ah?

" I'm just kidding. " then, he chuckled.

Wait? Napalakas ko ata ang pagkakasabi non dahil sa kaba!

" Ibaba mo na ako. Kaya kong maglakad. Nakakahiya sa mga nakatingin at mga nangunguha ng litrato mo. Nadamay pa ako. " - ako.

" Okay. Fine " sagot nya sa malumanay na tono at dahan-dahan nya akong ibinaba.

" Thank you and sorry. Bye. " sabi ko at tumalikod na. Aalis na talaga ako pero may ibinulong sya.

" If I ask you to stay, will you stay with me? " tanong nya na mayroong bahid ng kaunting lungkot sa boses.

Why?

Bakit nya yon sinabi sa akin?

Dahil ba naalala na nya ko?
Kung ganun nga, bakit di man lang nya nabanggit yung pangalan ko?

Or

Dahil ayaw nyang mapahiya sa harap ng madaming tao. Dahil matapos nya akong tulungan ay tatakbuhan ko lang sya?

Humarap ako para makumpirma kung bakit nya sinabi yon pero nakatalikod na sya at humahakbang papalayo.
Nakayuko lang kasi ako at nag-iisip kaya siguro ang akala nya ay ayaw ko.

Natulala ako sa likod nya.
Naramdaman nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya at kumindat sa akin.

Wait!

Oh sh**!

Asan na yung shades nya?!

Doon ko lang narealize na wala na syang suot na salamin.

Dece ...

December ...

DECEMBER!

Yung buwan na...
na kung kailan sya...

Nag-unahang tumulo ang mga luha ko.
Di ba dapat ay malakas ako dahil sa mga napagdaanan ko? Pero hindi eh, ang hina ko pa din.

I can't understand myself.
Ang bilis kong panghinaan ng loob.

Ngayon ko lang naisip na kung normal pala ko ngayon, you know what I mean, ay umiiyak din ako, ng dahil nga lang sa kilig.

Pero ang swerte ko pa din at december lang ang nakita ko dahil sa pagtalikod nya kaagad.

Paano pa kaya kung yung complete date na talaga?

How can I handle my own feelings?
Gayong tadhana na ata mismo ang naglalapit sa aming dalawa?

A/N:

Mga ate, kuya, or mga bunso!

Alam nyo naman, first story ko ito.
Sorry kung lame! =<
Salamat sa mga nagpatuloy magbasa hanggang dito sa chapter na to!

Any comment, suggestion or advice ay tatanggapin ko para sa ika-gaganda ng story.

Wag kayong snob!
Di po ako nangangain! Haha
Hope we become friends dito sa wattpad or even in reality. xD
So, sa mga interested ay feel free na i-message ako! ^^

Saka pala sorry ulit kung madalang ako mag-update. Studyante po kasi ako.
Sana maintindihan nyo.

Chongmal kamsahamnida! ♡
( thank you so much! )

- mikmik

Death PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon