Chapter 2

71 8 3
                                    

" Every end is just a beginning... "

Start of her own new world.

Fiona Colleen Pascual POV

Perfect na ang buhay ko.
May itsura naman daw ako kahit papaano.
Saka may utak ako na maipagmamalaki, sa katunayan ay lagi akong top 1 sa klase.
May Papa, Mama, Lolo at Lola.
May malaki kaming bahay.
May kaya kasi kame. Mayroon kaming tatlong sariling paaralan sa iba't-ibang lugar.
Mayor ang Lolo ko sa aming lugar at Vice-mayor naman nya si Lola.
Masaya na kame sa buhay namin...

Pero parang may mali.
Masyadong perpekto.
At yoon pala ang nakakatakot.

Dahil unti-unti kaming nasira.
2nd year high school ako.
May nagpadala sa amin ng bulaklak na para sa patay at may nakalagay na pangalan ni Lola. Tapos minsan naman, kabaong ang ipinadala na para naman daw kay Lolo.
Inisip namin na dahil lang yun sa inggit kaya ipinag-walang bahala nalang namin.

Pero isang araw habang nasa abroad kami nila Papa at Mama ay may isang di kanais-nais na pangyayaring naganap.
May mga di kilalang tao na pumunta sa amin at pinatay si Lolo at Lola.
Umuwi kaagad kami non.
Labis na lungkot ang dinanas namin.
Ngunit di pa pala doon nagtatapos ang kamiserablihan ng aming buhay.

Pauwi kame pagkatapos ng libing ng may humarang sa daraanan namin na van. Iniwasan iyon ni Papa ngunit may kasalubong pala kame na truck ng gasolina kaya doon tumama ang sinasakyan naming kotse.

Kitang-kita ko kung paano bumangga si Papa at Mama sa harap. At dahil nasa backseat ako at nakaseatbelt ay hindi ako naano.

Lumabas ako.
Dugo. Madaming dugo.
Umiiyak lang ako.
Di ko kasi alam kung si Papa o si Mama ang uunahin kong lapitan.

Nawalan ako ng pag-asa. Napakasakit panuorin ang pagkawala ng mga taong mahal mo.

" Kung sana lang. Kung sana lang alam ko na mangyayari to. Sana di na kami umalis at hindi namatay si Lolo at Lola. Hindi din mawawala si Papa at Mama! Sana alam ko! Ng di ganito ang nangyari! Sana alam kong mawawala na sila para napaghandaan ko! Paano na ako? Wala na si Lolo at Lola! Pati ba naman si Papa at Mama?!" - huling sigaw ko habang nakaupo at umiiyak.

Bigla namang sumabog yung gasolina kasabay ng pagkawala ng malay ko.

Nagising ako non na nasa ospital na.
Nilapitan ako ni Yaya.
November 27, 2020.
Nakita ko sa kayang mga mata.
Kulay pulang sulat iyon na di ko alam kung ano o bakit.

Ganun din ang nakikita ko sa mga taong tinitignan ko sa mata.
Hindi ko nalang pinapansin dala ng sobrang lungkot.

Itinuloy ko ang aking pag-aaral kahit na ganoon.
Naging mahirap dahil sa mga tao na umangkin sa mga ari-arian namin. Gumamit sila ng mga pekeng dokyumento. Wala akong nagawa. Tanging bahay lang ang natira sa akin at ang pera sa bank account ko.
Si Yaya ang tumayo bilang mga magulang ko.

Hanggang isang araw nga ay naintindihan ko na ang lahat lahat.

Yoon siguro ang katuparan ng hiniling ko dati.

Kaya ngayon, eto ko...

Nakikita ang petsa ng pagkawala mo, nyo.

Death PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon