Chapter 1

130 10 3
                                    


Fiona Colleen Pascual POV

" Okay class, you can have your lunch now. " - Teacher

Patayo na ako at aalis na dapat para kumain ngunit pinalibutan ako ng mga kaklase ko.

" Hoy Colleen! Aalis ka na naman at kakain mag-isa sa sulok ng school? "

" Ang dating prinsesa, ngayon dukha na! Kawawa naman! Hahahaha "

" Loner! Loner! "

Sanay na ako.
After the accident two years ago ay ganyan na silang lahat sa akin.
Sa school na ito na kung saan ay pag mamay-ari namin dati, ako ay kasalukuyang 4th year high school. 2nd year ako noong nangyari ang aksidenteng nagpabago sa mundo ko.

" Excuse me, dadaan ako. " mahinahong sabi ko na sapat para marinig nilang lahat. Hindi ko na kasi matiis ang mga sinasabi nila na puro pang-iinsulto lang din naman.

" Gusto mong sumabay kumain? " - tanong ng isa kong kaklaseng lalaki.

" No thanks. " - sabi ko para makaalis na agad.

" Pa- english english ka pa dyan eh mahirap ka lang naman? Bakit ayaw mong sumabay? Nahihiya ka kasi itlog na pula lang saka tuyo ang ulam na baon mo? Di ka ba nagsasawa? Araw-araw mo na yang ulam! " - sumbat nya na ikinatawa ng buong klase.

" Totoo ba Colleen? Samantalang dati galing pa sa iba't-ibang restaurant ang kinakain mo. " - malungkot na sabi ni Dylan.

He's my tuitor before, pero ngayon hindi na. Dahil mula ng naghirap ako ay nag-iba na ang pakikitungo nya sa akin, na katulad ng iba ay parang diring diri.

" What do you want?" - iritableng tanong ko sa kanila.

Ngunit walang sumagot bagkus ay may humatak sa lunch bag ko at inilabas ang baunan ko.

" Ooppss. Sorry. Mali pala ang hinala ko. Hindi pala itlog na pula ang baon mo. " - akmang hihipuin nya ang kanang pisngi ko ng mabilis kong hinampas ang kanyang kamay para mailayo.

" Canton? For lunch? Seriously? "

Hindi ako kumikibo pero di ko maiwasang tignan sila ng masama. Oo yun ang ulam ko pero ni minsan ay di ako nagreklamo dahil yun lang ang maipapakain ni yaya sa akin.

Babawiin ko na sana ang baunan ko pero bigla nya itong itinaas para di ko makuha.
Nagulat nalang ako ng ibunuhos nya sa ulo ko ang laman non na canton at kanin.

Naubos na ang pasensya ko.
Di na ko nakatiis na manahimik na lamang.

Hinarap ko ang gumawa non at sinabing...

" April 8. "

At pagkatapos umalis na ako at iniwan silang naguguluhan sa aking sinabi.

Di na din ako muling pumasok sa school dahil graduation na din naman.

April 8 ang date ng graduation ngunit di ko binalak na umattend. Buong araw non ay nanuod lang ako ng t.v. sa bahay kasama ni yaya.

At nabalitaan ko na lang din na sa mismong araw ng pagtatapos namin ng high school ay mawawalan ako ng isang kaklase.

April 8, namatay sya. Yung nang-away sa akin na kaklase ko.

Simula noon, naging malinaw na sa akin ang lahat. Ang nakikita ko na pulang petsa tuwing tumitingin ako sa mata ng isang tao ay syang araw pala ng katapusan nya.

Death PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon