C1: Pulang Sombrero

Start from the beginning
                                    

I remembered senior prom night and it was horrible. Pinagsuot ba naman ako ng babaeng ito ng very uncomfortable dress at heels. I didn't even enjoyed the night dahil sa dami na rin ng nakakairitang gustong magsayaw sa akin. Sa totoo lang, I'm really looking forward to graduation day. To avoid those boys that goof around me. Okay, sorry naman pero di sa pagyayabang ah.. May mga nanliligaw kasi sakin sa school kahit na di naman ako nagpapaligaw. Ganun ako ka-pogi mga tsong!

"Hi Minerva.." Bati ni Julio, ang number one na pinaka makulit na manliligaw ko raw kahit na ilang beses ko na siyang tinanggihan o binasted.

"Hi Juls!" Bati ni Ara sa kanya with a dreamy look. Lagi yang ganyan eh. Well, gwapo naman si Julio. Actually maraming nagkakagusto dito eh. Di nga lang talaga siya yung tipo ko.

"Ito oh para sayo Minerva." Akmang ia-abot na niya sakin yung box ng chocolates pero agad na inagaw yun ni Ara.

"Ay hindi mahilig si beb dito. Akin na lang ha?"

Wala ng nagawa si Julio. Deadma pa rin ako.

"Ah.. Mine.." Pakamot-kamot pa sa ulo na sabi ni Julio.

"Ano?" Tanong ko.

"P..pwede ka ba sa ano.. Sa.." Nauutal niyang tanong.

"Sa grad ball?" Singit ni Ara.

"Ah eh.. O..Oo sana.." Nauutal na sagot niya.

"Hindi pwede. I'm not going to the grad ball. Better ask anyone else. Ask Ara instead." Seryosong sagot ko. Sumambakol naman yung mukha niya. Sinenyasan ko naman si Ara.

"Oo nga. Ako na lang i-date mo." Ngiti niya kay Julio.

"Si..sige." Sagot naman niya. Hindi naman mukhang napilitan.

"Di ka napilitan niyan ha?" Tanong ni Ara.

"Ah eh.. Hindi naman naisip ko na rin na tatanggihan ako ni Minerva." Nahihiyang sagot ni Julio sa kanya. Siguro para di na rin hassle.

"Yey! Sige na. Busy yan si beb." Simpleng pagtaboy ni Ara sa kanya. Pero halatang kinikilig din 'tong si Beb.

Nung nakaalis na si Julio ay saktong natapos ko na rin ang binabasa kong libro.

"Tapos ka na? Let's eat meryenda." Aya sa akin ni Beb nung akmang isasauli ko na yung libro.

"Sige. Nagutom ako bigla." Sabi ko na lang. Paano kasi, itong kasama kong nagyayaya ng meryenda, eh kanina pa kumakain. Nakakaloka rin 'to eh.

We headed straight to ate's coffee shop. At himalang konti lang ang tao ngayon dito.

Si Beb na ang nag-order ng meryenda namin, alam naman na niya ang gusto ko. Iniabot ko sa kanya yung pera ko pero tinanggihan niya. Libre niya daw.

Wednesday ngayon, at wala dito si ate kaya di na ako nag-abalang hanapin pa siya kay Jill, yung manager nitong coffee shop. Best friend siya ni ate, na siyang kapatid ng girl friend niyang si Jack, Jackielyn. Kulit nga eh, Jack and Jill pero baliktad. Si Jill, o Jilliem ay lalaki at si Jack naman, o Jackielyn ay babae. Ang gara di ba?

"Beb! Wala si ate Venus dito?" Tanong ni beb na dala ang tray na may lamang slice ng cheesecake at isang cinnamon roll.

"Wala. Wednesday is J and V day di ba?" Sagot ko.

"Oo nga pala. Sweet talaga nila 'no?" Biglang naging dreamy si beb Ara at parang nag-iimagine ng kung ano habang sumusubo ng cheesecake.

Torn between ex-lovers (EDITING) Where stories live. Discover now