Daming sinasabi. Ang daldal. Parang si Sho.
“Okay sige. Alam kong Introvert ka, pero pansinin mo naman ako!”
Para talagang si Sho. Pati ba naman siya sasabihing 'pansinin mo ako'?
“Aish. Kailangan ko na talagang sanayin sarili ko na ganyan ka talaga.”
Bakit naman kailangan niyang sanayin sarili niya?
“Teka, wait lang ah. Hintayin mo ako! Bibili lang ako ng pagkain.” sabay alis niya.
Gaya ng sabi niya, hintayin ko soya. Kaya eto, umupo na muna ako sa bakanteng upuan na nakita ko.
Hindi ko alam kung bakit ko siya hinihintay. Kung bakit hinahayaan ko siyang sumama sa'kin. Ewan ko. Pero iba yung pakiramdam ko sa kanya eh.
“Tara na!” sulpot niya sa harap ko at saka ako hinila palabas ng canteen.
Saan naman kami pupunta?
“Dito tayo ha? Wala ka ng magagawa! Maraming gwapolicious ditey!” seriously?
Umupo kami sa ilalim ng puno. Actually, siya lang talaga. Pinilit niya lang ako. Para daw kasi akong tanga kung tatayo lang ako sa harap niya at pagmamasdan 'DAW' ang maganda niyang mukha.
Mahangin rin pala sya. Parang si Sho lang.
Teka. Sho nanaman? Nababanggit ko ba talaga yung pangalan ng nilalang na yun?
“Hmm. Callah?” tawag niya kaya tumingin ako sa kanya.
“Kelan mo sasagutin si Sho?”
Muntik ko ng maibuga yung juice na iniinom ko dahil sa tanong niya. Seryoso ba siya sa tanong niya?
“Balita ko marami kayong fans. Pero marami ding haters. Kainis nga yung mga haters na yun eh. Inggit sila sa ganda mo. Kasi yung ganda mo napansin ni Sho, pero yung mga ganda nilang hindi inakala initsapwera lang. Pero tama lang yun 'no.”
”Alam mo bang fan nyo din ako? Super love ko talaga yung loveteam nyong dalawa ni Sho myloves! ShoLlah loveteam!”
Shollah? Parang Shomba lang. Pero wait. ShoLlah loveteam? Sho + Callah? Yuck.
“Dati, wala naman akong pakialam dyan kay Sho. Saka dyan sa Whiters na yan. Pero simula nung naging classmate natin si Sho, nagkaroon na ako ng pakialam! Lalo na nung makilala ko pa siya saka yung Whiters! Ang gwapo nila. Omyghad!”
“Saka alam mo ba, balita ko rin na may gusto daw si Darius sayo? Wow! Ang swerte mo girl! Yung dalawang gwapong mag bestfriend ang nabingwit mo!”
“Yung mag bestfriend na yun ang pinaka-gwapo sa Whiters, alam mo ba yun? Pero mas gwapo pa rin si Sho sa lahat.” sabay hawak niya pa si dibdib niya.
“Pero kasi may Callah na si Sho eh! Kaiinggit ka talaga!” hinampas niya ako sa braso. Feeling close?
Tinignan ko yung mga studyanteng palakad lakad sa field nung matapos ng magkwento si Anya about dun sa Sho at Whiters na yun.
Napaka-daldal nya pala talaga. Akala ko talaga nung una, parang ako lang siya. Wala rin kasi siya palaging kasama. Palaging mag-isa. Tahimik pa.
Nagulat nalang ako ng nagcling siya sa braso ko. Nakakailang. Pero ayoko namang alisin yung pagkaka-cling nya sa'kin. Nakakahiya.
“Callah, gusto kita maging kaibigan. Kung pwede sana.” napatingin ako sa kanya. Ako? Gusto niyang maging kaibigan?
“Iba ka kasi sa lahat. Hindi ka plastic. Hindi ka katulad ng iba. Kakaiba ka. Kakaibabe, ganun.” tumawa siya ng mahina. Saka isinandal ang ulo nya sa balikat ko. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to?
YOU ARE READING
The Extrovert and The Introvert
Non-FictionExtrovert at Introvert? Posible nga kaya?
