Sho's POV
"Nice Captain!"
"Yun oh!"
"May inspirasyon si Salazar!"
"Si ano ba yan ha?!"
Napailing nalang ako. Mga siraulo talaga. Naka-shoot lang ng limang sunod sunod, may inspirasyon agad? Hindi pa nasanay sa'kin, eh lagi namang ganyan. Well, Sho Salazar 'to eh.
“Oy meryenda na mga panget!”
“Lul. Mas panget ka!”
“Nagmana sayo eh.”
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Rence. Naglaro kasi kami ng basketball sa labas ng bahay nila.
Kasama ko pala yung syam na gunggong na ka-teammates ko. Whiters ang pangalan ng team namin. Sabado naman kaya naglaro kami.
Sayang nga eh. Umpisa pa lang yung pantitrip ko kay Callah. Kabitin.
Halos mamatay na nga ako sa kakapigil ng tawa ko nung isang araw sa ekspresyon ng mukha ni Callah nung pinatawag kaming dalawa ni Ms. Dimaano, teacher namin sa P.E. Paano ba naman kasi, fan daw namin siya ni Callah.
Pero napaisip ako, bakit kaya ganun si Callah? Bakit hindi siya palasalita? Hindi naman siya nerd. Sa totoo nga lang, maganda sya eh.
T-teka! Anong sabi ko? Wala akong sinabi ha! WALA!
“Oh problema mo, Captain? Bat napapailing ka dyan? Kung ano ano siguro iniisi---”
“WALA!” putol ko sa sinasabi ni Miguel. Tsismoso yan eh.
Oo na, oo na. Maganda na si Callah. Pero sayang kasi laging naka-kunot noo niya tapos hindi pa palasalita. Ang cute pa naman ng boses niya.
Tama na. Puro nalang papuri sinasabi ko tungkol sa kanya.
Kaaway ko kaya siya. Gaganti pa ako sa pagsuntok niya sakin. Masakit yun, hoy!
Nalaman ng iba sa Whiters yung ginawa kong pagkanta kanta kay Callah. Hindi na tuloy ako tinantanan nung mga gago. Inlove na daw ako! Ako inlove? Isang malaking HINDI.
Ginawa ko lang naman yun kasi gusto ko sa umpisa, chill muna. Pasarap ganun. Para hindi naman siya masyadong mastress sa gagawin ko sa kanya. Astig 'no.
“HOY SHO! MAY TUMATAWAG SAYO!” napatingin ako kay Rence na sumigaw.
“Ano?”
“May tumatawag sayo. Sagutin mo na! Kanina pa yan.”
Kinuha ko naman sa bag ko yung cellphone ko. May tumatawag nga. Masyado atang okupado ang isip ko at hindi ko na naririnig.
*Calling 09173582966*
Unregistered number? Sino naman 'to?
“Labas lang ako.” paalam ko tapos lumabas na.
“Sino to?” bungad ko pagkasagot na pagkasagot ko.
[Ang ganda naman ng bungad mo sa'kin!]
“Xyrille?”
[Oh yes! So, nasan na ang 'hello' ko?]
“Hello Xyrille!” biro ko.
[Tss. Nasan ka?]
“Rence.”
[Sino kasama mo?]
“Ngayon ko lang nalaman na pulis ka na pala.” sabay tawa ko. Daming tanong eh.
YOU ARE READING
The Extrovert and The Introvert
Non-FictionExtrovert at Introvert? Posible nga kaya?
