Sho's POV
Pinsan niya si Callah? Nice.
“Uy diba ikaw yung na ano sa cr?”
“Na ano?” tanong naman nilang lahat. Napaka-ano talaga nitong Rence na'to!
“RENCE!” suway ko. Binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin. Pangit niya.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
“Ano yun? Kayong dalawa ha! Inano niyo si Callah?”
“Wala yun Xyrille. Loko-loko lang yang ugok na Rence na yan.” sabi ko.
Hindi nila pwedeng malaman na najebs si Callah sa restroom. Kahit na hindi naman talaga.. Wala lang! Ayoko lang malaman nila. Bakit ba?
“Teka. Diba ikaw yung natamaan ng bola ni Sho?” tanong ni Darius kay Callah.
“Hindi kaya sadya yun!” depensa ko.
“Sinabi ko bang sinasadya mo?”
“Defensive much, Sho?” sabi ni Xyrille kaya nagtawanan silang lahat maliban sa'kin at kay Callah.
“Bakit hindi kayo umupo? Paupuin mo si Callah, Xyrille!”
“Atat ka Miguel? Eto na oh. Callah umupo ka na nga!”
Nagulat nalang ako nang dito pinaupo ni Xyrille si Callah sa tabi ko. Bakit sa tabi ko pa?!
Pero pagtingin ko kay Callah, ayun as usual walang ekspresyon ang mukha. Minsan talaga, nakakatakot 'to.
Pagtripan at asarin ko kaya siya ngayon?
Pero, aish. Wag na nga lang!
“Callah pala pangalan mo? Nice, ang ganda.” papuri ni Darius.
“Pangalan lang?” tanong ni Jerome na may pilyong ngiti. Alam na ibig sabihin nyan.
“Syempre, pati siya. She's like an angel.”
Kelan pa naging bolero tong Darius na 'to? Sa pagkaka-alam ko hindi yan ganyan sa mga babae. Tinamaan na ata.
“YUN OH!”
Tinignan naman namin kung anong reaksyon ni Callah sa sinabi ni Darius. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon at halatang walang pakialam sa mga baliw. Kawawang Darius! Minsan na nga lang, tapos ganun pa.
“Awww! Snob!”
“Kawawang Darius!”
"Inisnob si Darius Suarez? Pakamatay kana!”
“Kingina, basted agad!”
“Mga gago!” sigaw ni Darius sa kanila kaya lalo silang nagtawanan at pati ako nakitawa na rin.
Pero etong si Callah nakatingin pa rin sa ibang direksyon. Wala talagang pakialam sa mundo. Kakaiba.
Tinignan ko si Darius na katabi ko rin. Napag-gigitnaan kasi nila ako ni Callah. Nakita ko namang ang sama ng tingin niya kila Gio. Napikon siguro. Paktay.
Nang makarecover na sila sa topic na yun kanina. Nagkaroon nanaman sila ng bagong pag-uusapan.
Basta talaga madadaldal ang kasama mo hinding hindi matatahimik ang buhay mo.
Napatingin ako kila Xyrille at Jerome na nagbubulungan na sa katapat namin ni Callah naka-upo. Ano nanamang trip ng dalawang 'to?
“Captain! Ayos mukha!”
“Siraulo!” sigaw ko kay Gio.
Pagtingin ko ulit kila Xyrille, hindi na sila nagbubulungan pero yung mga katabi naman nila yung binubulungan nila. Tapos kung makangiti pa parang aso. Ang sama ko ba? Totoo naman eh.
YOU ARE READING
The Extrovert and The Introvert
Non-FictionExtrovert at Introvert? Posible nga kaya?
