Thirty

66 5 0
                                        

Callah's POV

“I want to remind you this, class. Next week na ang activity trip natin to Tagaytay. We already talked to your parents and they're all agreed. So no more problems. Pack up all your things as much as possible.”

Kanina pa nagsasalita at nag-aanunsyo ang adviser namin sa harap pero sa lahat ng sinabi nya, ito lang ata ang pumasok sa utak ko.

Pakiramdam ko lumulutang ako dahil sa nararamdaman ko.

Sa utak ko, isa na akong kriminal dahil kanina ko pa pinapatay sa utak ko si Sho. He's really an asshole!

Nasa tabi ko lang siya at para akong estatwa sa posisyon ko dahil kanina pa ako hindi gumagalaw simula nung pumasok siya ng classroom.

Ayoko siyang harapin dahil baka mawalan ako ng preno at kung anong masabi ko sa kanya. At baka masampal ko pa siya dahil sa ginawa niya. Ayoko rin namang gumawa ng eksena dito.

“You can take your break now.”

Pagkasabi nun, gagalaw palang ako nang maramdaman ko na agad ang tingin sa'kin ni Sho. Lumingon ako sa kanya kasabay ng panlilisik ng mga mata ko.

“Why did you kissed me?” mariing tanong ko.

Itinaas niya ang dalawang kamay nya na parang sumusurrender. “T-teka magpa—”

Hindi ko na siya pinatapos at kusa ng kumilos ang kamay ko para sampalin siya. Kinuha ko yung gamit ko at lumabas ng classroom pagkatapos kong gawin yun.

Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil kanina pa talaga kumukulo ang dugo ko sa kanya. Siya rin ang dapat magsisi dahil sa ginawa nyang paghalik sa'kin. How dare him.

“Callah!”

Wth. Talagang may gana pa siyang tawagin ako sa lagay na 'to ha?

Hindi ko siya nilingon at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang eh ang makalayo sa kanya.

Maya-maya naramdaman ko nalang na hawak niya na ako sa braso, "“Sandali lang naman.” huminto ako at hinarap siya.

“Magpapaliwanag ako.” sabi niya at hindi ko maintindihan yung ekspresyon na ipinapakita niya sa'kin ngayon.

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko, “Huwag na.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya nanaman ako.

“Please.”

Hindi ako umimik. Nanatili nalang akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Dapat ko bang pakinggan?

Wala naman akong pakialam.

*Una sa lahat Callah, sorry. Masyado akong natuwa nang makita kita kaya hindi ko na na-control ang sarili ko at nagawa yun.”

Natuwa? Kasi ano? May mapagtitripan nanaman siya?

“Pero hindi ako nagsisisi kasi nakaisa ako sayo.”

Ngumisi pa siya sakin pagkasabi niya nun at handa na sana akong sampalin ulit sya pero nahawakan niya ang kamay ko.

“Oops. Isa isa lang. Isang sampal, isang halik. Gusto mo akong sampalin? Pahalik muna.”

“WHAT THE HELL?” galit na singhal ko sa kanya pero binaliwala niya yun at nagawa pang kindatan ako.

“O kung gusto mo, halik nalang?”

Lalong nag-iinit ang ulo ko sa sinasabi ng taong 'to. Nanggigigil ako. Parang gusto kong pumatay ng tao.

“Sampalin mo na, Callah!”

WHAT?

Napalingon ako sa gilid ko at nakitang napapalibutan na pala kami ng mga studyante. Panibagong eksena nanaman 'to. Bwisit na Sho talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Extrovert and The IntrovertWhere stories live. Discover now