Nine

83 13 1
                                        

Callah's POV

“Pst! Callah.”

Ayaw talaga akong tigilan nitong si Sho.

Mas okay pa yung pagtripan niya yung gamit ko eh. Okay ng lagyan niya ng kung anu-ano yung bag ko. Kesa naman ganitong kinukulit ako ng kinukulit.

Yung Darius naman, walang ibang ginawa kundi tadtadin ako ng text. Minsan tumatawag pa. Pero hindi ko naman sinasagot. At hindi ko rin alam kung saang lupalop niya nakuha yung number ko.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung mag confess kuno yung Darius na yun.

Bakit kasi may Sho at Darius na napadpad sa buhay ko? Kainis.

“Uy Callah ko naman. Pansinin mo ko!”

Yan. Isa pa yan sa kinaiinisan ko. Maka-sabi ng 'KO', akala mo pag-aari niya ako eh.

“Lunch na Callah ko. Sabay ka sa'kin, gusto mo?” sabay kindat nya. Yuck. Sa tuwing gagawin niya yan, hindi ko maiwasang hindi mandiri.

Tumayo na ako at saka lumabas ng classroom ng hindi tinitignan si Sho.

“Callah!!”

Napahinto ako sa paglalakad saka tumingin sa likod kung sino man yung tumawag sa'kin.

Hindi si Sho yun. Boses ng babae kasi.

“Pwede sumabay mag lunch sayo?”

Ano namang pumasok sa kokote ng babaeng 'to at naisipang sumabay mag lunch sa'kin?

“Ayaw mo ba? Pero kahit ayaw mo, sasabay pa rin ako sayo!” sabay ngiti niya ng malapad.

Tinignan ko lang siya at naglakad na. Tumabi naman siya sa'kin at sumabay sa paglalakad.

Habang naglalakad, pinagtitinginan naman kami ng mga taong madadaanan namin.

Ikaw ba naman kasi, makita mo si Callah na may kasama. Hindi ka titingin?

Lalo na ngayong kilala na ako dito.

Oo, kilala na ako ng mga studyante dito. Pero hindi naman lahat. Pinagkalat kasi nung teacher namin sa P.E na fan daw namin siya ni Sho.

Eh sa dahil nga marami 'DAW' fans si Sho, ayun naging interesado lahat ng babae.

Sabi nung iba, kesyo hindi daw ako bagay kay Sho. Napapailing nalang ako sa loob loob ko. Sino bang nagsabing bagay ako dyan sa Sho na yan?

Last week nalaman kong may mga babaeng inalam kung sino ako. Inalam nila kung anong ugali meron ako. Basta tungkol sa'kin.

Nalaman nilang ganito nga ako. Introvert. Kaya siguro ganyan sila makatingin sa'kin--samin ng kasama ko na kung makangiti, akala mo nanalo sa lotto.

“Callah saan tayo magla-lunch? Sa canteen o sa field? Ahm. Parang gusto ko sa field. Boy hunting tayo!”

What the heck? Boy hunting? Ni minsan, hindi ko ginawa yan.

Akala ko iba 'tong si Anya. Hindi ko pa naman kasi siya nakikitang may kasamang babaeng, alam na.

Saka napansin ko rin nun, na hindi naman siya interesado sa mga lalaki. Pero mali pala.

Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa loob ng canteen. Binili ko nalang yung parati kong binibili tuwing lunch. Juice and sandwich.

“Ayan lang kakainin mo? Hindi kaya mamatay ka sa gutom nyan?”

Hindi naman kasi ako dragon kung kumain. Saka mamatay sa gutom? Minsan nga, hindi ko pa nauubos 'to, busog na ako eh.

“Diet ka ba?”

The Extrovert and The IntrovertWhere stories live. Discover now