"Ayan na kinilig oh! Oh ano, ano pang meron siya? Hindi mo ba hinawakan? Hihi."

"Ma V-Line siya bes!" Bulong ko na parang kinikilig. "Tapos syempre may biceps."

"So nahawakan mo ba?" Bulong niya habang papunta kami sa Student Lounge.

"Gaga, bakit ko hahawakan?"

"Asawa mo naman eh."

"Ano naman kung asawa ko?"

"Sabihin mo, honey, pahawak naman ng pandesal mo. Kahit papisil lang." Sabi niya pa sa tonong nanglalandi.

"Kadiri ka talaga! Ang dumi-dumi nang isip mo! Eh kung ikaw na lang kaya gumawa noon noh?"

"Hoy! Kung pwede lang! Kaso di ako manunulot. Char."

Naupo kami sa isang bakanteng table. Inilapag ko ang mga gamit ko sa mesa at umupo. "Alam mo ba bestie may nalaman ako kay Sir Neil?"

"Wait, kay Sir Neil? Nag-usap kayo?"

"Yup, kanina bago mag-Accounting. Sa Oval."

"Ah, kaya naman pala, nagpa-late dahil si Sir Neil ang kasama. Oy babae, umayos ka ha."

"May sinabi kasi siya tungkol kay RR! About sa ex niya."

"May ex si Sir?!" Gulat na gulat niyang tanong.

"Shh," kinalma ko muna siya. "Oo, pero hiwalay na raw sila 4 years ago."

"Eh okay na 'yan, bestie! 4 years naman na palang hiwalay! Hayaan mo na 'yun. Kinalimutan na nila for sure ang isa't isa! Umorder ka na, bilis."

"Wait, naiihi ako. Ikaw muna ang mag-order. I'll pay later." Lumabas ako ng Student Lounge at naglakad patungong CR.

Ilang hakbang lang galing Student Lounge nakita ko sina Genera at RR na naglalakad. Ang lapad ng ngiti ng impakta at halatang may tinatanong kay RR. Si RR naman panay kausap. Eh kung hindi mo sagutin ang mga tanong niyan, titigilan ka niyan.

Sige, i-entertain mo pa.

Sumaktong ang direksyon nila ay parehas sa direksyon ko papuntang CR. Sige lang, RR.

Binilisan ko ang direksyon para makapang-abot sa kanila. Nagkunwari akong abala sa cellphone ko at medyo lumapit ako sa bandang likod nila.

"Sir, alam mo, in behalf of the class, pasensya po sa attitude ni Cheska. She's like that since elementary. She's a spoiled brat po kasi porket mayaman ang pamilya." I overheard Genera. Hindi niya sigurong nahalatang nakabuntot lang ako sa likod nila dahil abalang-abala siya sa pagiging linta kay RR.

"Oh... I see," sagot naman ni RR na patango-tango.

"Ewan ko ba dun, Sir. Gandang-ganda sa sarili," ay aba! Maganda naman talaga ako ah! Impakta talaga. Ugh! Natutukso akong hilahin ang buhok niya at kaladkarin papuntang CR!

Tumango lang ulit si RR. So ganun? Parang umaayon siya sa sinabi ni Genera? Eh di wow! Asawa niya ako, dapat ipinagtatanggol niya ako! Dapat ipaglaban niyang maganda ako!

"You know, Sir?" Makadikit naman ang babaeng 'to. Hala siya, sinasadya talagang idikit ang balikat niya sa braso RR. "Nung high school kami, isa lagi si Cheska sa bottom five kapag may mga test? As in lahat ng subject!" Unti na lang, Genera. Tangina, pati ba naman 'yan sasabihin mo pa sa kanya.

"Malala Sir, hindi niya pa kabisado ang Multiplication Table. Yung hanggang 12. Grabe talaga, Sir. Masyado kasing confident. I am not sure Sir if she'll able to pass Accounting nga eh. Math isn't her forte. Actually kahit anong subject yata, Sir. Her grade is really close to our retention."

Patuloy lang sa paghagikhik si Genera. Hindi ko naman malaman kung ano ang reaksyon ni RR dahil nandidilim na ang paningin ko sa impakta.

"Kaya Sir 'wag mo na lang masyadong tanungin si Cheska sa klase, kawawa naman, walang masasagot." Nice one, Genera. You're dangerously pressing the Cheska-bitch button.

"Tyaka Sir, may rumors ha. Si Cheska raw, retokada yata." Pumintig ang tainga ko. Aba! Saan galing yun? My beauty is natural! "Mula ulo hanggang paa may binago 'yan. I think she had her nose done and her lips. Maski nga Sir yung ano niya, parang pinaretoke niya," hininaan niya yung huling sinabi niya.

"Yung ano?" tanong ni RR.

"Basta, Sir. Alam mo na. Grabe nga eh. Pero sabi ko nga sa mga kaibigan ko, 'wag na naming siyang pakialamanan tutal sariling pera naman niya ang ginamit niya."

Walang-hiya!

"Plus Sir, her Ate was really famous in our high school even after she graduated. I was a witness Sir noong grade school kami nina Cheska and her ate was a high school student. She really excelled maski college! Buti pa sister niya, maganda tapos simple lang. Walang arte sa katawan. And she is also talented, smart, and humble, too, despite her achievements. She can do well in sports, arts, and leadership. Officer siya noong high school, Sir eh. And imagine din Sir ah, yung ate niya yung valedictorian ng medicine graduates sa batch nila. Marami nga pong nagtataka kung magkapatid talaga sila." Panay dada si Genera.

I didn't notice na may tumulong luha na pala sa mata ko. Pinunasan ko agad ito. Damn. Here we go again. My insecurity. My anxiety. Sorry, Genera, but you triggered me.

Binilisan ko ang paglakad ko at sinadya kong banggain ang kaliwang gilid ni Genera dahilan para matapon ang bag niya at matulak siya.

She gasped. Si RR naman ay akmang tutulungan siya para pulutin ang mga gamit niyang nagkalat dahil sa pagkatilapon ng bag niya.

Nagpipigil lang akong umiyak. I have emotional issues when I am being compared to my sister.

Tumigil ako at hinarap siya. "Ay sorry, Genera, hindi ko sinasadya ah?" Inosente kong sabi sa kanya. "And for more, hindi ako retokada, okay? Poor you, if you wanna be as pretty as me, you don't need to spread false rumors, okay? Sabihin mo lang na gusto mong maabot ang beauty ko, bibigyan pa kita milyones para makapagretoke ka nang bongga sis!" Sabay sipa ko sa calculator niya na nakakalat.

May mga ilang estudyanteng lumalapit na sa amin. Oo, may bago na naman kayong tsismis. Oh eto, juicy scoop!

"Cheska!" Sinaway ako ni RR. Wow! Ako pa yung sinaway niya ah! Ako pa talaga!

"Ugh! Mahal 'tong calcu ko!" Sigaw ni Genera.

"Punyeta, bigyan pa kita ng isang daang ganyan!" Bulyaw ko pabalik. "At least ako, hindi ako plastic tulad mo! Pwe!" Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. I was expecting susundan ako ni RR pero nang pagkalingon ko, tinutulungan niya pa rin ang paluha-luhang Genera.

Hindi naman niya ako kailangang siraan kay RR kung gusto niyang mag-excel sa klase niya. I'm no threat kung gusto niyang mag-A o manguna sa klase. Bobita nga ako 'di ba? Kailangan bang ipagduldulan kay RR?!

Eh di magkasama kayo, asshole and bitch! Bagay naman kayo eh!

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa at nagtype.

To: Shithead Asshole

Hindi ako sasabay mamaya.

Tumakbo ako papuntang CR. I need an outlet. I need a place to be alone. And I don't wanna break down in school.

This is not just because in connection with RR. She hit a personal issue I am dealing with ever since.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon