Lesson 21

46.5K 385 135
                                    

Lesson 21
Curiosity

"Hindi mo pa ba sasagutin 'yan? Kanina pa 'yan ah," sabi ko sa kanya habang kinakain ang Peach Mango Pie na bigay niya kanina.

Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang phone niya. Tumayo siya at saka pumasok sa kwarto. Hindi ko ba pwedeng marinig kung sino ang kausap niya at kung ano ang pinag-uusapan nila?

Itinuloy ko lang ang pagkain sa Peach Mango Pie na inalok niya sa akin kanina. Halos mauubos ko na ito pero hindi pa rin natatapos ang usapan nila ng kausap niya. Would I eavesdrop?

Tumayo ako at naglakad nang dahan-dahan patungo sa pinto ng kwarto. Medyo nakauwang ito at nakikita ko ang nakatalikod na si RR na nakatayo sa tapat ng kama habang pinapasadahan niya ng hagod ang ulo.

"...not now, please. We're having dinner," sabi niya sa kausap. Pinipilit ba siyang kausapin ng kausap niya?

Idinikit ko pa lalo ang tainga ko sa pinto.

"Yup, she's with me. Let's just text, okay? Bye..."

Baka naman co-faculty niya lang or a client?

"Love you, too... I gotta hang this up."

Nagulat ako sa narinig ko. Ramdam ko ang pagbilis ng pulso ko. Naramdaman ko ang paglakad niya palabas ng kwarto kaya tumakbo ako nang dahan-dahan papuntang dining room. Isinantabi ko muna ang pagkagulat ko.

Umupo na ako at itinuloy ang pagkain sa Peach Mango Pie. Ramdam kong nasa likod ko na siya.

Tinapik niya ang balikat ko.

"Sino yung tumawag sa'yo?" tanong ko sa kanya. I pretended I did not hear anything a while ago.

Umupo na siya sa harapan ko at inayos ang kuwelyo niya. "Ahh... just a client."

Agad na tumaas ang kilay ko. Client pero may love you, too?

"Was asking me to consult his finance department next week," pagtutuloy niya. "Sabi ko, maya na lang kami mag-usap dahil kumakain tayo."

I narrowed my eyes. RR, why are you lying?

"Fine," maiksi kong sagot at ipinagpatuloy ang pagkain.

"What's with that face?" Tanong niya sa akin habang pinanliliitan din ako ng mata.

"Bakit? May mali ba sa mukha ko?" Tanong ko pabalik.

"Haist," he waved me off. Tinuloy na lang niya ang pagkain.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Umupo ako nang diretso at saka tiningnan siya ng diretso.

"Tell me, RR."

Agad na inangat niya ang ulo niya. "Tell you, what?"

"Do you think we have a chance that our relationship will work?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Pinag-iisipan niya pa ang sagot niya.

Dugtong ko. "If this relationship won't work, then we can like somebody else, right? Tutal sa papel lang tayo binded. If both of us have third parties, then it doesn't matter. Am I right?"

"Bakit mo nasabi 'yan? May nagugustuhan ka bang iba?" Gago. Ikaw ang gusto ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. May pag-asa ba tayo, RR?" Madiin ang pagtanong ko sa kanya.

"Baka. Hindi ko alam. Oo? Depende. Aish. Bakit mo ba ngayon tinatanong 'yan?!" Napahawak siya sa batok niya.

Gago ka. Ang dapat na sinagot mo diretso at siguradong OO.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon