Lesson 8

51.9K 462 118
                                    

Lesson 8

Not Kidding


Nanigas ako sa pwesto ko.


"Do you still not want to talk?" Utas niya. Nakahawak pa rin ako sa braso niya at nakatingin siya sa kawalan.


"You know, kung biro 'to, tama na. Hindi magandang biro eh. Can you stop the act?" Hindi ko maipinta kung anong hitsura ko dahil sa mga sinabi niya.


"I am not a man of joke, Cheska." At saka naman inilipat niya ang titig sa akin. I suddenly feel cold. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at doon ko napagtanto ang ibig sabihin niya.


Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak ko. "If this is not joke, bakit walang sinasabi ang parents ko?" Pumangewang ang mga kamay ko at tinitigan siya ng masama.


"Are you sure we're gonna talk about this here?" Tumingin siya sa paligid na puno ng mga estudyante sa hindi kalayuan.


I sighed, "Fine. Wait, text ko lang si Sharpay I cannot meet her."


* * *


Tahimik ko lang na sinundan si Sir papunta sa office niya. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon gusto kong takpan ito kasi baka naririnig niya! Nauuna siyang maglakad akala mo walang problema samantalang nagwawala na ang sistema ko.


Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ayaw ko namang pagahanahin ang pagiging maldita ko ngayon dahil kinain na ako ng kaba ko sa pag-uusapan namin mamaya. Habang naglalakad siya, tinititigan ko ang likuran niya. Yung mahahabang binti niya, yung diretsong postura niya, at pati ang swabeng paglalakad niya.


Hot as fuck. Bigla kong naisip. OMG. Why do I even think of dirty thoughts on him? He's a prof for Pete's sake!


Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya bumangga ako sa likod niya. Napaismid ako at lumingon sya bigla.


"Hey, watch out!" Utas ko habang hawak ang noo ko.


"Ako pa ang sinabihan mo ah? I told you that we're in our building. You didn't even hear me say that?" He smirked. "Distracted ka ba, Cheska?"


Naiwang bukas ang bibig ko dahil wala akong maisagot sa kanya. He got me there!


"Distracted ka ba that someday we'll be living under the same roof? Eat meals together? Watch TV shows together? And even share the same roo-"


"Shut up!" Agad kong pigil sa kanya. Ramdam ko ang init sa pisngi at ipinagdadasal kong hindi niya mahalata iyon.


Tumawa siya nang marahan. "Follow me quietly in the department. Observe proper decorum. No room for your immaturity there." Sabi niya sabay lakad papasok ng entrance ng building.


Sinundan ko naman siya agad. "Anong immaturity diyan ang sinasabi mo?! I am not imma – "

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon