Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “I-ikakasal na sya..”

Napansin ko na medyo napaubo sya sa narinig nya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko na nakangiti sya sakin, “Bakit ganyan ang reaction mo? Bakit nakangiti ka?! Masaya ka ba dahil ikakasal na sy---“ nagulat ako ng bigla nalang nya akong yakapin.

Yayakapin ko na din sana sya ng medyo lumayo sya at hinalikan ako sa noo ko. Pagkatapos nun tiningnan nya ako sa mata. Nakangiti sya, “Diba dapat maging masaya ka para sa kanya? Dahil ikakasal na sya? Sabi mo sakin dati, kapag masaya sya, masaya ka na din. Gusto kong patunayan mo yun Clenery.”

Napatungo ako, “Pero kasi, masakit lang malaman na ikakasal sya sa taong mahal nya at hind---“

“Shhh. Tama na yan. Basta, be positive! Nandito na tayo! Magtatrabaho ka na! Kaya ibalik mo na ang energy mo! Kaya mo yan Ms. Stealer!” sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

Napangiti nalang ako. Ang saya saya nya kasi.

Napansin ko na nandito na nga kami. Kaya pala sya huminto kanina. Hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami agad.

Nagpaalam nalang ako kay Gab at bumaba na ako ng sasakyan nya. Ginoodluck nya nalang ako kaya nagthank you ako sa kanya.

Nang makababa naman ako ay tiningnan ko muna ang itsura ng accounting firm building namin.

Napangiti ako at kahit pano naexcite. :)

Finally, I’m here.

I will surely make my first day memorable. ;)

***

“Yes pa, nandito na po ako. Pasakay na po ako ng elevator.”

(Really? That’s good. Dumiretso ka muna sa office ko dyan and hintayin mo ang magtotour sayo sa firm natin. Sya din ang magiging instructor mo.)

“Po?! Bakit kailangan ko pa nun? Pa, I know how to handle this---“

(No baby. Hindi porkit CPA ka na ay alam mo na ang lahat. Marami ka pang hindi nalalaman.)

Napa-sigh nalang ako. Siguro nga tama si papa. Baka nagiingat lang sya dahil kilala tong accounting firm namin sa pinaka-famous accounting firm not only here but even in the other countries. Baka nga naman ako pa ang maging dahilan ng pagbagsak nito. -_-

So yeah, pumayag na ako kay papa. No choice din naman eh.

Nakarating naman ako dito sa 5th floor. Well, sa tingin ko hanggang 10th floor tong building. Pero nasa 5th floor lang ang office ni papa.

Ngumiti ako sa mga employee na nakakasalubong ko. Ngumingiti din naman sila. Kilala na kasi nila ako. Well, siguro pinakita ni papa ang picture ko sa kanila bago pa ko magpunta dito o baka noon pa para siguro hindi sila magtaka kapag dumating ako.

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon