"Sa 'kin?" biro niya, grinning. "You mean kung hindi dahil sa pagbangga mo ng Audi R8 sa concrete barrier sa C5?"

Natigilan ako. "Oo nga no? Utang ko pala lahat ng ito sa tatay ko."

"You didn't call him to tell him we're engaged," paalala niya sa 'kin.

Nagkibit-balikat lang ako. "Malalaman din niya 'yun. I'm sure alam na niya kasi natawagan na siya ni Mommy."

"We should tell him," she insisted quietly. "Hindi kayo close pero daddy mo pa rin siya."

Tumango na lang ako. Isa pa, alam ko namang kailangan ko ring kausapin ang tatay ko. Because of the next topic.

"One more thing, Mere. Naglakas-loob akong bilhin itong condo na 'to kasi I found out that I have a little money in my trust fund."

"How little?" she asked teasingly.

"Mga two hundred fifty-six."

"Thousand?" she asked, wide-eyed. Tingnan mo 'tong bilyonaryang 'to, nalalakihan na sa two hundred fifty-six thousand.

"Million," sabi ko, nakangisi.

"What?!"

"Yeah. Sabi ni Kuya Lex, I have two hundred fifty-six million pesos sa trust fund ko, which means I can afford this for you. The thing is hindi ko pa hihingin kay Daddy 'yung full access d'un. Gusto ko munang patunayan sa kanyang kaya kong magtrabaho ng six months. Kapag bigyan na niya ako ulit ng allowance, saka ko na siya hihingin kay Dad. That way, na-fulfill ko na 'yung condition niya bago niya ako ulit sustentuhan. Also, ayoko nang sustentuhan niya ako. By that time, I'd be earning enough money on my own, I promise. 'Yun, gusto ko lang malaman mong kaya kitang buhayin kahit mas mayaman ka sa 'kin. Pwede kang umasa sa 'kin kung kailangan."

"Alam ko naman 'yun, Ash," she told me with quiet confidence. "Kahit hindi ka naman mayaman, alam kong kaya mo akong alagaan."

At nagduda ako sa pagmamahal ng babaeng 'to sa 'kin? Gago ka talaga, Ash. 'Wag mo nang uulitin 'yun!

I pushed her hair away from her face. "Oo naman. Saka naisip ko, kung sakaling pagpalain ako ni Lord at maging kasing yaman mo ako at hindi ko na kailanganin 'yung perang nasa trust fund ko, kukunin ko pa rin siya para may pangsimula nang ipon ang mga magiging anak natin."

Tumawa si Meredith. "Anak agad?"

"Well, I want a year with you first. Gusto muna kitang solohin bago tayo mag-anak."

Kinurot niya ako sa ilong. "Parang matagal mo nang plano 'to ah? Saka 'mga'? Ilan ba ang gusto mong anak?"

"Tatlo..."

"Ah, pwede—"

"...ng dosena."

Tumawa siya at hinampas na naman ko.

Hinila ko lang siya hanggang sa nakahiga na kaming dalawa sa lounge chair at nakatingala sa langit.

"Ash."

"Yeah?"

"Pwede bang dito na tayo matulog? Parang gusto kong first night natin as an engaged couple ay dito sa bahay natin. Parang 'yun ang tama."

"Oo nga. 'Yun din ang naisip ko. Pero kailangan nating umuwi para kumuha ng mga gamit. Wala tayong damit, walang unan, kumot..."

"Malapit lang ang SM. Bukas pa 'yun. Aabot pa tayo."

We looked at each other, sabay na ngumiti at sabay na nagmamadaling tumayo mula sa lounge chairs.

UMABOT pa naman kami kahit malapit na silang magsara. Natagalan kasi kami ni Meredith sa pagpatay sa lahat ng mga kandila. Ang dami kasing lanterns na iniwan sila Kuya Lex. Ang ganda talaga pero kapag makaligtaan namin, baka masunog ang bahay eh hindi pa namin nabibinyagan.

Bumili kami ng comforter, bedsheets, mga unan, tuwalya, pantulog at mga bihisan para kinabukasan. Kinailangan kong pigilan si Meredith na limasin 'yung mga estante ng mga gamit sa home departmet pero di ko siya napigilang bumili ng isang set ng mga pinggan, baso at kubyertos.

Namili rin kami ng kaunting toiletries at groceries, pagkain para sa almusal bukas.

Sa huli, medyo kinailangan na kaming ihatid ng taga-SM sa kotse sa dami rin ng bitbit namin. Inabutan pa kami ng closing pero okay lang. Iba kasi 'yung excitement naming dalawa.

NANG makabalik sa bahay, magkatulong kaming nag-ayos ng maliit naming lungga sa bago naming bahay.

For the meantime, d'un kami naglatag sa sahig sa living room, sa ibaba lang ng sofa ni Kuya Lex. Hindi raw kasi komportable si Meredith d'un sa kama. Gusto raw niyang una naming higaan na kama sa bahay namin ay 'yun kama na sa amin na talaga, 'yung hindi pa nagagamit ng kahit na sino. Magrereklamo pa ba ako? Eh kahit sa karton lang ako pahigain basta katabi ko siya, solb na ako.

Suot ang mga bago naming pajamas, nahiga na kami sa comforter, nagkilitian, nagsiksikan at sa wakas ay nakahanap ng perfect na puwesto bago namin pinagmasdan 'yung ilaw ng katapat naming building at 'yung langit sa labas ng bintana.

"Kurutin mo nga ako," sabi niya habang nakapatong sa dibdib ko 'yung isang kamay. Di na niya suot 'yung singsing niya kasi baka mahigaan daw niya at masira. Magwawala raw siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Baka kasi nananaginip lang ako."

Tumawa ako, pinisil siya sa baywang at hinalikan sa sentido. She giggled and snuggled closer.

"Excited na 'ko," she said quietly.

"Saan?"

"To start the rest of my life with you."

"Me, too," I whispered back.

Itinulak ko palayo ng noo niya ang buhok niya at tiningala niya ako. Tumungo ako para halikan siya.

We kissed in the still and silent darkness of our new home, the home that I promise to fill with love and laughter and happiness with the beautiful, amazing woman I love and will love forever. And when she pulled me closer, I moved to carefully rest my weight on her and she held me tight.

Sa isang iglap, talaga palang nagbabago ang buhay.

Habang binabalikan ko ang buhay ko nitong huling buwan, hindi ko mailarawan kung gaano kalaki ang ipinagbago niya. Halos di ko na nga makilala ang sarili ko. Ni hindi ko akalaing magiging ganito pala ako o dito hahantong ang kagaguhan kong pagmamaneho ng Audi R8 ng tatay habang lasing ako.

In a way, utang ko nga rin kay daddy ang lahat. Kung hindi niya ako binigyan ng ultimatum, hindi ko makikilala si Meredith. At kung hindi ko nakilala si Meredith, malamang hindi ako nagtino.

Kung wala siya, baka hindi ko pa maisip na ayusin ang buhay ko. Malamang wala pa rin akong trabaho ngayon. Wala akong bahay, lasing na naman ako at single imbis na yakap si Meredith sa ilalim ng mga kumot na nakalatag sa sahig ng living room namin.

Malamang naka-asa pa rin ako sa tatay ko at nakatira sa bahay niya habang araw-araw na salitang inaasar at tinitiis si Ate Kaye. Malamang miserable pa rin akong nagpapanggap na masaya ako.

Hindi na ako babalik d'un. Kaya tutuparin ko ang pangako ko kay Meredith na bibigyan ko siya ng maganda at masayang buhay. Hadlangan man ako ng concrete barrier.

Excited na rin ako sa kinabukasan namin.

Nag-angat ako ng mukha at pinagmasdan siya sa malamlan na liwanag mula sa labas. She stroked my cheek. "I love you, Ash," she whispered with heartfelt sincerity that arrowed straight to my heart.

I kissed her palm. "I love you, too, baby girl," sabi ko. "For always. For the rest of my life."

ThenI bent down to kiss her and she took me into her body, into her heart, andwelcomed me home.

TO BE CONTINUED...   

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now