After dinner, nagligpit kami ng mga pinagkainan pero wala kaming panghugas ng pinggan. May dishwasher nga, wala namang sabon.

"Iuwi ko na lang mamaya 'yung mga maruruming pinggan," sabi ko nang makaakyat ako ulit sa rooftop kung saan ko iniwan si Meredith.

"Uuwi tayo?" disappointed niyang saad mula sa railing kung saan siya nakatayo at nakatingin sa mga ilaw ng BGC.

"Ayaw mo?" napapangiti kong tanong.

Lumabi siya at tumawa ako bago lumapit sa kanya para ikulong siya sa pagitan ng mga bisig ko. She leaned against me and I bent down to kiss her on the top of her head.

Inangat niya 'yung kamay kung saan naroon 'yung singsing na bigay ko. "It's so beautiful," sabi niya. Pagkatapos humarap siya sa 'kin at niyakap ako. "The condo is beautiful. This day is beautiful kahit pa pangit ang simula niya."

"I'm going to give you a beautiful life, Meredith. Pangako 'yan."

She looked up at me and smiled. "I know."

Napangiti na rin ako. "Actually, no. You don't know yet."

Pinakawalan ko siya, kinuha 'yung isa niyang kamay at giniya siya sa mga lounge chairs sa pool area. Nang maka-upo siya, naupo ako sa tabi niya habang hawak pa rin 'yung kamay niya.

"Mere, bakit hindi mo tinatanong kung paano ko nakayanang bilhin 'tong condo na ito?"

Pinagmasdan niya ako. "Curious talaga ako, Ash. Kaya lang kapag itanong ko kasi baka isipin mong wala akong tiwala sa kakayahan mong mag-provide para sa 'kin."

Mahina akong tumawa. "Well, actually hindi naman. Hindi naman ako gan'un pero I appreciate the faith in me." Huminga ako nang malalim. "Sabihin na nating nag-loan ako kay Kuya Lex para mabili itong bahay. I'm going to pay him out of my allowance as soon as I have access to my trust fund again."

Tumango siya. "Will you need help with paying him?"

"No," mabilis kong sabi. "Sabi ko sa 'yo ako ang bahala sa bahay, di ba? So ako ang bahala sa bahay... pero ikaw nang bahala sa bills, sa ilaw, sa tubig, pagkain..."

Tumawa siya at tumango kahit pa nagbibiro lang naman ako.

"Hindi, joke lang! Ikaw ang bahala sa pag-aayos ng bahay pero sa bills, ako na rin 'yun—"

"It's not practical, Ash," sabi niya, umiiling. "Two income household tayo so share tayo sa gastos."

"Saka mas malaki ang income mo," nakangiti kong paalala pero mukhang nag-alala si Meredith.

"Will that be a problem for us?" tanong niya. "I mean, okay lang ba sa 'yo na mas malaki ang sweldo ko sa 'yo or masasaktan ba ang pride mo n'un?"

Mas lumawak ang ngisi ko. "Wala akong pride pagdating sa 'yo, di ba?"

She giggled.

"At isa pa, your fiancé is the future COO of Aragon-Montesines Contractors... kapag mapapayag na ni Kuya Lex si Ate Kaye na bitawan ang AMC."

Nalaglag ang panga ni Mere na parang contestant na nanalo sa Miss Universe. "Oh, my god!"

Kumindat ako and she threw her arms around me, laughing as she hugged me.

"Ash! Oh, my god!"

"Hindi ako magiging gan'un, hindi ako magkakaroon ng future na gan'un kundi dahil sa 'yo, Mere," sabi ko, sincere at seryoso. "Hindi ako magtitino kundi dahil sa 'yo. Kung hindi ako nagtrabaho para sa 'yo, malamang wala ako sa rooftop ng condo na pag-aari natin at wala akong perfect fiancée. Malamang nasa bar ako ni Hank, lasing na at naghahanap na ng away."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang