"Truth or dare?" Tanong ko agad
"Dare!" sagot niya..

Mabuti naman at sumang-ayon.. haha..

"Igirlfriend mo si Jane for 1 month.. hahaha!" pang-aasar ko samantalang bakas ang kaba sa mukha niya..

At nagpatuloy iyon hanggang sa naubos na yung vacant time namin.

Emman's POV

Tapos ang klase ngayung araw at nagpasya akong kausapin si Jane tungkol dun kanina. Nang makita ko siya ay nilapitan ko agad.

"Jane, pwede ka bang makausap?" nahihiya kong tanong. Kasi naman kaibigan ko kaya yung may gawa nun!
"Sure. Tungkol saan ba?" sagot niya..
"Yung tungkol dun sa dare, okay lang ba talaga sa'yo yun? Di ka kasi umangal kanina eh" agad kong tanong
"Yaan mo na yun! 1month lang naman eh." parang walang pakialam niyang sagot. "Akala ko kasi galit ka eh. Sige alis na ako!" pagpaalam ko at agad na umalis.

Masaya ako dahil pumayag siya at the same time eh nasaktan kasi parang wala siyang pakialam.

A week passed unti-unti kaming nagiging close sa isa't-isa. Hinahatid ko siya pag-uwi, sabay kaming kumakain at namamasyal kaming dalawa minsan.

Sunday ngayon at pupunta ako sa bahay nila Jane para sabay kaming magsimba. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya kahit di niya alam na mahal ko siya.

Namasyal kami pagkatapos magsimba. Pumunta kami kahit saan at kumain ng mga street foods. Nanamnamin ko muna itong pagkakatong ito.

Jane's POV

Habang tumatagal ay unti-unti akong nahuhulog kay Emman. Masaya siyang kasama. Sweet. Pinanindigan niya talaga ang pagiging boyfriend niya.

Mula sa paghatid niya sa'kin pauwi, pag-aaya niyang mamasyal at pagsabay naming kumain ng street foods ay mas lalong lumalalim yung pagtingin ko sa kanya pero di ko pinapahalata.

Hinahayaan ko lang siya dahil alam kong mabait siya at hindi siya mapangsamantala.

Naglalakad na kami pauwi ng bigla siyang nagtanong.

"Di ka na nagsisi dahil nangyari tong dare na to?" nagtaka ako kung bakit niya iyon natanong..
"Hindi. bakit naman ako magsisisi?" tanong ko naman sa kanya.
"Di ko alam. Baka kasi nagsisisi ka. Wag mo nalang isipin yun."

Di na ako sumagot pa at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Emman's POV

Mabilis na lumipas yung mga araw at huling linggo na namin ni Jane ngayon.

Ni-schedule ko na talaga kung ano ang dapat naming gawin this last week at ginawa namin ito till sunday.

Ito ang mga ginawa namin:

MONDAY:

Namasyal kami ng mall at namili ng mga gamit. Bumili rin kami ng couple shirt, couple ring and necklace at couple shoes.

A One Month Relationship (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now