Day 39 - At Twilight

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumiti ako kahit pa gusto ko yatang maluha sa tindi ng emosyong nararamdaman ko. Basta iba 'yung pride na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Ipinarada ko 'yung kotse sa designated parking spot ko. Kinailangan ko 'yung hanapin kasi ngayon ko lang 'yun makikita pero malapit lang naman pala siya sa elevator ng unit namin. Sosyal di ba? May sariling elevator.

Nauna akong bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ulit ang pinto para kay Mere pero parang hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Ngumiti ako, inilahad ang palad sa kanya at inabot niya 'yung kamay niyang nanlalamig.

Sa loob ng elevator, pinindot ko ang isang kulay green na buton. Blanko 'yun, walang floor number. Iilaw 'yun 'tapos manghihingi ng four-digit code 'yung security panel. Kung hindi mo alam ang code, hindi magsasara ang pinto ng elevator. Medyo nangangain siya ng tanga, actually, pero naisip kong okay 'yun sa seguridad ni Meredith kapag wala ako sa bahay. 'Yun din ang code sa front door namin kung piliin naming gamitin ang keycard imbis na 'yung susi. Mas gusto ko 'yung susi sa ngayon. Parang mas may tiwala kasi ako sa manual lock pero pag-uusapan din namin ni Meredith kasi pinto rin naman niya 'yun.

Kinilig ako d'un! Akalain mo dati dinner lang ang shini-share namin, ngayon... pinto na!

Mabilis naming narating ang floor namin at nagbukas na ang elevator doors. Maliwanag doon at may ilang vases ng mga rosas at lilies sa isang bilog na mesa sa pagitan ng dalawang armchairs.

Hindi pa rin nagsasalita si Meredith pero mahigpit na 'yung hawak niya sa kamay ko.

Giniya ko siya palabas ng elevator kasi parang ayaw niyang humakbang. Then at the door, kinuha ko 'yung susi na nasa bulsa ko.

"Ash," bulong niya at binalingan ko siya. Naluluha siya. "Did you get us a condo unit?"

Tumango ako, may maliit na ngiti sa mga labi. Mamaya mo na alamin na hindi lang basta condo unit ang binili ko para sa 'yo.

"When did you get this?"

"Sunday," amin ko. "Pagkagaling namin ni Kuya Lex sa inyo, dumerecho kami rito."

Tumulo ang mga luha niya at natatawa niya iyong pinunasan ng mga daliri bago tuluyang tinakpan ng mga palad ang mukha nang hindi na niya mapigilan. Hinila ko siya palapit at ibinaon niya ang mukha sa dibdib ko. She hugged me and mahina akong tumawa habang inaalo siya kahit pa naluluha na rin ako. Di ba? Di pa kami pumapasok sa bahay namin nito ha.

Tumawa na rin siya, lumayo at kinusot ang mga mata. "Buti hindi ako masyadong nag-makeup, kundi mukha na akong racoon ngayon!"

"You're still beautiful," sabi ko sa tonong hindi ko man sinadya ay tono pa rin ng taong amazed na amazed sa nakita.

She blushed and laughed softly. Napangiti na rin ako. Galing naman sa puso 'yun, ano ka ba?

Inabot ko sa kanya ang susi. "Will you do the honors?"

Tinanggap niya 'yun at hinila ako sa batok para halikan ako. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang isinisilid 'yung susi sa lock. She slowly turned the knob at maingat na itinulak pabukas ang pinto ng muntik palasyo ng future Balajadia-Montesines family.

"Oh, my god," pabulong niyang ulit. "Ang ganda."

I watched her face at huminto ang puso ko bago nag-sprint. At nasiguro kong di ako nagkamali sa pagbili ng penthouse unit namin dahil sa ekspresyon niya ng pagkamangha.

Nagsimula siyang pumasok. "Sandali!" sabi ko.

Nilingon niya ako, bago malakas na tumawa nang tumungo ako para pangkuin siya. "Bagong kasal lang?!" she said teasingly.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon