Ram's Calling Josh...
+639070707070
"Hello Ram, napatawag ka ata?"
"Ah, nakauwi na po ba si Alliya?"
Sabihin mong oo Kuya Josh , please?
"Hindi pa nga eh, hinahanap ko nga din eh. Tawagan mo nalang ako pag nakita mo na siya"
o______________O Lagot.... Alliya, nasaan ka na ba....
"S--Sige "
--------------------End Call----------------------------
Asaan ka na ba Alliya.. Saan ba siya pwedeng magpunta Ram? Saan? May nasabi ba siya sayo? Isipin mong mabuti Ram!!! Baka sakaling nandun siya pag inisip mong mabuti.... Ramm....
* F L A S H B A C K S*
"Nakakainis talaga sila Mama at Papa, pupunta daw kami sa park ang boring" --me
"Wag ka ngang ganyan! Sila ang bumuhay sa iyo! Sila ang nagmahal sayo! Maswerte ka nga at buo ang pamilya mo at nakapunta ka kasama sila sa ganoong mga lugar... Hindi kagaya ko, anak lang ako sa labas kaya hindi ko nakakasama ang pamilya ko sa ganoong mga lugar kaya maswerte ka"
"Alliya...."
------------------END OF FLASHBACKS----------------------------
Tama nga... Baka nasa park siya ngayon.. Sana nandun siya parang awa niyo na, sana walang nangyaring masama sa kanya dahil sa oras na mangyari iyon.. Hindi ko kakayanin... Alliya nasaan ka na ba... Tumakbo na ako ng mabilis papunta sa park at hindi ako nagkamali...
Nakita ko siya....
Siya na muling nagpatibok ng puso ko, Siya na nagbigay inspirasyon sa akin.. Siya... Nakita ko siya umiiyak, bakit ba sila umiiyak...
"Alliya!!!"
Napatingin siya sa akin.. Tumayo siya at naglakad papunta sa akin... Alliya, ligtas ka.. Salamat.. Nagulat nalang ako ng bigla siyang napahawak sa chest niya.. T--Teka, d--dont tell me na ..
*Boogshhh*
Bigla siyang tumumba sa damuhan habang hawak hawak ang chest niya. A--Anong nagyayari sayo Alliya? Inaatake ka na naman ba ng asthma? Agad ko siyang pinuntahan at binuhat
"Ram..."
"Alliya, dadalhin kita sa hospital. Please, wag kang pipikit Okay?"
"I can't breathe..."
"Alliya, ililigtas kita..."
Tumakbo ako habang hawak hawak siya.. Bigla akong nakaramdam ng MGA taong sumusunod sa amin, bigla akong kinabahan at mas binilisan ang pagtakbo.. Alliya, maging matibay ka.. Ililigtas kita...Gusto kong tawagan si Kuya Josh pero buhat buhat ko si Alliya.. Alliya, wag kang pipikit parang awa mo na...
Narinig kong nagba-vibrate yung phone ko.. Hindi pwede.. Habang tumatakbo ako, mas bumibilis ang pakiramdam ko na may MGA sumusunod sa amin.. Hindi ako pwedeng magkamali, may sumusunod sa amin. Mas binilisan ko ang pagtakbo... Alliya... Para sa iyo ang lahat ng ginagawa ko..
Nagulat ako ng biglang nanlaki ang mga mata ni Alliya. Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso niya...Mas nagulat ako ng bigla tumulo ang luha mula sa kanyang mata .. Bigla siyang nagsalita...
"Ram, may mga lalaki sa likod mo, may dalang baril"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa naramdaman kong may pumalo ng matigas na kahoy sa ulo ko.. Biglang nagdilim ang paningin ko.. hinigpitan ko ang hawak kay Alliya.. ano.. ano na bang nangyayari....
Unti unti akong nawalan ng malay, pero hindi ako nagkamali sa mga narinig ko... Narinig kong umiiyak si Alliya at sumisigaw
"Ram!!!! "
"Sumama ka nalang samin kung ayaw mong masaktan"
Narinig ko ang mga pagtakbo nila palayo.. Pinilit kong tumayo.. pipilitin ko para sa iyo Alliya
*BOOOOMMM*
Naramdaman ko ang pagpatak ng dugo sa aking paa na binaril ng mga lalaking dumakip kay Alliya... Hindi ko na alam ang mga sumunod ng pangyayari... bigla nalang akong nahimatay..
to be continued...
Chapter 16= Unexpected
Start from the beginning
