[[Alliya's POV]]
"Pri--Princess A--Alliya, ikaw ba 'yan?"
"Ay, unli? Ako nga ito, Kuya! Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Pe---Pe--Pero--"
"Pero panget ang kilala mong Alliya? Tapos mabait? Tapos hindi nagsusuot ng shorts gaya nito?"
"O--Oo. Kaya hindi ikaw si Alliya"
"Ang Alliyang kilala mo, hindi na nag-e-exist sa mundo. Iba na si Alliya, okay? Grabe ka talaga! Hindi ba ako puwedeng magmaganda, kung makapagsalita ka diyan oh"
"Oh, okay, Princess Alliya, pero bagay naman sa'yo 'yan para pareho na tayong campus crushes"
"Don't call me Princess Alliya! It's baduy! I know na mukha akong prinsesa pero it's baduy talaga, okay?"
"Oo na! Ubusin mo na 'yang pagkain mo"
Pati kuya ko, hindi ako nakilala sa kaanyuang ito. Ang lupit naman po ano. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang nerd na mabait at inosente na puro pag-aaral ang inatupag sa 13 years na pag-aaral (napa-Math ako bigla haha) ay magiging ganito...
Maganda ^___^
Mataray >:D
Malandi *___*
Etc. Etc. Etc. Tahahaha! I've changed in a wink ;D I'm so different from the old Alliya. Kayo ba? Sino mas gusto ni'yo? 'Yung dating ako? O ngayon? Naalala ko tuloy dati
F L A S H B A C K S
Pabalik na sana ako sa table ko sa canteen. Sariling table ko 'yun kasi wala naman may gustong lumapit sa akin. Mabuti in a way na hindi ako nawawalan ng seat kahit kapag nakikita nila ako na papalapit, umaalis na sila agad pero nakakalungkot kasi wala man lang ako kasabay kumain. Wala man lang ako kashare sa juice or kaagawan sa cake or kasubuan ng ice cream or tagalibre.
Nag-eemote ako sa table ko dahil sa pagiging loner ko nang biglang--
*SPLASH*
"Ba---bakit mo---mo 'ko binuhusan ng tubig, Chrizelle?"
"Eh kasi, umaalingasaw ang baho mo. Libreng ligo 'to, ayaw mo nun? Ligo-ligo ka rin kasi"
Nagsitawanan lahat ng tao sa canteen at nasa amin lang nakatuon ang pansin ng mga tao. Hiyang-hiya na ako kahit araw-araw ko naman 'tong nararanasan.
"Na--Naliligo na--naman ako ah" Ginaw na ginaw ako. Biglang bumuhos ang iyak ko..
"'Wag ka ngang umiyak dyan. Iyakin. Weak ka! Tara na nga. NERD KASI"
Then, umalis na siya kasama ng mga julaylay niya. Ano na naman ba itong ginawa ko? Naghihintay ako ng tutulong sa akin pero wala. Wala miski-isa. Instead, pinandirian pa nila ako lalo.
"Bagay sa kaniya yan! Nerd!"
"Tara na nga! Kadiri!"
"Nakakaasiwa.. Nakakawalang-ganang kumain"
Gusto ko na lang na lamunin ako bigla ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
Ano na naman ba? Ano na naman bang ginawa ko sa kanila? bago pa ako tuluyang mapahiya, pumunta na ako sa banyo para magpalit ng damit. Kadiri. Nagpaalam din ako kay Ms. Grecia na magpapalit ako ng damit. Si Ma'am lang ang tanging naging kaibigan ko na nagtatanggol sa akin. Sa mga panahong iyon, feeling ko mag-isa lang ako sa mundo.
Comfort Room
"M--May tao ba diyan??"
*TIKKKKK* <<--- (Sound effect na pinatay ang switch ng ilaw)
"AAAAAAAAAAHHHHHHHH"
B---Bi-----Biglang namatay yung switch ng ilaw habang nagshashower ako kasi nga binuhusan ng tubig kanina. Agad kong kinuha 'yung damit ko na nakasampay sa taas ng cubicle. Ang dilim-dilim at wala pa akong salamin since naliligo nga. Kinapa-kapa ko 'yung taas ng cubicle para makuha 'yung damit ko pero
Wala
WALA? Bakit? Hala! Nasaan ba 'yun!? Dito ko lang naman inilagay
*TIKKKK*
Biglang bumukas yung switch ng ilaw. Hala, Lord. Gabayan ni'yo po ako. May mumu ata huhuhu. Lumabas ako sa cubicle. Walang tao sa comfort room pero nakabukas 'yung pinto na parang may pumasok. Lagot ako nito. Last na ang extrang damit ko. Nako, P.E. pa naman namin ngayon tapos 'yung P.E. Uniform ko nawawala na.
At eto pa
Maraming magpapalit ng damit mamaya-maya kasi nga... PE. WAAAAAAAAHHHH!!!!!
Nakakaiyak naman.
Nakita ko sa bintana na papasok na 'yung mga kaklase ko sa comfort room.
LAGOT.
Unti-unting bumukas 'yung pinto at---
"WAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!"
"HAHAHAHHAHAHHA!!!!! SI NERD!!!!!! HAHAHA NAKATWALYA LANG!!!!!"
Agad akong pumasok sa isang cubicle pero pilit pa rin nilang binubuksan 'yung cubicle na pinasukan ko. Napaiyak na naman ako..
"AAHH!!"
'Yung mga tarantado kong kaklase binuhusan ako ng malamig na tubig at nabasa na rin 'yung towel na nagco-cover sa katawan ko. WAAAG!!! WAAGGGG!!!! Gusto kong sumigaw nang sumigaw pero hindi naman kasi nila ako pinakikinggan ni-minsan.
"TAMA NA PLEEEAAASSSE!!!"
"Dapat lang 'yan sa'yo NERD. Nang dahil s'ayo kaya napagalitan kami ni Ms. Grecia!"
"So--Sorry na.. TUUULLLOOOONG!!!"
Nagulat ako nang may biglang pumasok sa CR ng girls.
"Ano na namang ginagawa ni'yo kay Alliya? Huh?''
"KUYYAAAAA HUHUHU"
Niyakap ko ng mahigpit si Kuya Josh
"Ano na naman bang ginagawa ni'yo sa kapatid ko? Hah? Nakakabanas na kayo ah!"
"Eh ikaw, anong ginagawa mo sa CR ng girls?" --Heart (nangbubully sa akin)
"Pinagtatanggol ang kapatid ko! Tara na, Alliya. Umuwi ka muna. At kayo," sabay turo ni Kuya Josh sa mga nangbubully sa akin, "Mag usap na lang tayo sa office! Mga letse"
Kumuha si Kuya Josh ng extra niyang uniform at iyon muna ang isinuot ko. Tinawagan niya 'yung driver namin to pick me up and then ayun, sa bahay muna ako nagstay.
*End of flashbacks*
Well, ewan ko na lang kung magawa ulit nila sa akin ang lahat ng iyon. Lalagapak muna ang mga mukha nila bago mangyari iyon.
"Anong iniisip mo alliya?''
"Ahh. Wala, may naalala lang. Uhmm, Kuya, salamat, ah?"
Napangiti na lang ako at siya naman naiwang nagtataka kung bakit ako nagthank you. Kung wala siya sa mga oras na iyon, hindi ko na alam kung anong nangyari. Umakyat na ako sa kuwarto ko.
Si Kuya ang naging sandigan ko at those times that I was weak.
Masaya ako na nandiyan ang Kuya Josh ko pero, I can't always be dependent sa kaniya.
Maricris, Raven, Chrizelle, idagdag pa natin si Heart.
I'll make sure na magbabayad kayo.
Tumblr : www.jamiemacasinag.tumblr.com :)
