Chapter 2.2 # Say "Bye" to Miss Nerd

23.6K 624 39
  • Dedicated to Izelle Guevarra
                                    


Alliya's Picture after make over-->>

===============================================

"Miss, give her a pair of contact lens. 'Yung may grado for her ah!"

Nagulat na lang ako sa sinabi ng babaeng 'to. What? Contact lens? Okay naman ako sa glasses ko ah! At... Maganda naman ako 'di ba??  

"HINDI KAYA! HINDI"

Nagulat naman ako sa sumagot ng tanong ko pero pagtingin ko, 'yung TV lang pala sa shop na pinagbibilhan namin. Bwiset, pati TV pinamumukha na panget ako! Sabi ni Kuya Josh, Mommy Joana, Raven--wait no. Hindi pala kasama si Raven. At Daddy Leo, maganda raw ako 

"MGA SINUNGALING SILA! SINASABI LANG NILA IYON PARA MAPAGAAN LOOB MO!!"

Napatingin na naman ako nang masama sa TV.

Pisting TV show na iyan, sa isip-isip ko.

Hinarap ko si Mima tutal siya naman puno't dulo nito.

"Mima, bakit pati glasses ko? Okay naman ako sa glasses ko, ah!"

Eh, totoo naman, eh! Kinaladkad na ako tapos ididispatsa pa niya glasses ko like siya ang nagbayad! Aish! Care ba niya?! Ilang taon ko na ginagamit 'yang glasses na 'yan. Hinarap niya 'yung malaking salamin sa akin.

"Tignan mo nga 'yang sarili mo! Sa tingin mo, may magkakagusto sa'yo niyan? Kaya ka pinagtataksilan eh! At saka Mia name ko, hindi Mima!"

Nagulat ako ng bigla bigla niyang hinigit 'yung salamin ko mula sa akin. Hell no! WAG! 

"Look at yourself. You're gorgeous! Kaunting ayos na lang sa'yo, perfect ka na. Kaya papalitan natin 'yang ewwy glasses mo, okay?"

Hindi na ako umimik. Natataranta ako. Baka magalit siya sa isasagot ko. Ano ba ang dapat kong i-react? At saka 'pag humindi pa ako, papayag ba siya?

"I said, is that okay?!?"

"O—Oo" 

Panandaliang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa naisipan ko nang tanungin 'yung question na kanina ko pa dapat in-ask sa kaniya.

"Bakit ang bait mo sa akin?" bigla kong nasabi. Wow. 'Yun ba ang mabait, Alliya? Bigla kang hinigit at nagpakafeeling close? Tapos kung makaasta sa'yo, parang boss mo siya?

"Ayoko lang makita ka ulit sa school na umiiyak."

"Sus, 'yun lang ba talaga? Baka modus mo lang ito ah" Siyempre maninigurado na ako, aba. Masyadong mababaw na rason ang  "ayaw kang makitang umiiyak."  Siya? Ayaw makita ako makitang umiiyak? Ano naman paki ng isang magandang nilalang sa akin? 'Di ba?

"O-Oo.. 'Yun lang. Kaya pumayag ka ng mag-contacts, ah!" 

Kahina-hinala. Baliw ka rin kasi, Alliya, eh! Nag-iilusyon ka pa ng ibang rason para pansinin ka ng isang magandang nilalang sa mundo na medyo maldita! Wala naman talaga siyang pake sa'yo at wala rin naman siyang mapapala sa akin! Nagnod ako at tumingin doon sa maglalagay ng contact lens sa akin at nagsmile. 

Inilagay naman niya 'yung contact lens sa mata ko at tinuruan ako about sa process. Papatakan daw ng solution every certain time. Ang hassle naman ata nun? Hindi ako sanay. Pero in fairness, kung anong nakikita ko sa glasses ko, ganoon din naman dito sa contact lens. Though nakakapanibago.

NERD Won't Always Be NERDWhere stories live. Discover now