Chapter 1 # The Nerd

26K 573 50
                                        

"Alliya! Bakit 96 lang ako rito sa assignment ko na ginawa mo? It's your fault! Kasalanan mo 'to eh!"


"Hindi ko na nga nagawa 'yung assignment ko, eh"


"So, sinisisi mo ako kung bakit hindi ka nakagawa ng assignment at kung bakit 96 lang ako, ah?"


"Hindi naman sa---"


*slap*


Bago pa ako tuluyang makapagsalita, sinampal na niya ako. Sobrang lakas ng impact ng pagsampal niya sa akin kaya napaluhod ako sa sahig at 'yung salamin ko tumalsik. Kinapa-kapa ko 'yung sahig para mahanap ang salamin ko.  Nakuha ko naman kaagad at isinuot sa mga mata ko. Gaya sa kadalasang makikita kay Alliya, eto na naman ako... umiiyak. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko sa mukha ko.

"So—Sorry, Chr—Chrizelle... Hindi na mauulit.."


"Well, bawal talagang maulit. Sa susunod na gagawan mo 'ko.. 98, 99 at 100 lang ang gusto ko. And next time..."


Yumuko siya at tinulak 'yung ulo ko gamit ang hintuturot niya

"Huwag kang tatanga-tanga! Bwiset! Let's go, girls"


She rolled her eyes at umalis kasama 'yung mga kurayray niyang alipores. At ako? Naiwang mag-isa... Umiiyak at hindi parin tumatayo. Ever since, I'm the one who always cries. I really hate moments like these pero sanay na rin ako. Pero masakit... Ang sakit sakit...

"Sabihin mo nga, ano bang dapat kong gawin? Ano bang mali? Anong problema ko? Lord, bakit ba lagi na lang akong umiiyak?"

"Masyado ka kasing mabait"

"Te—Teka, Lord... Kayo po ba 'yan? Are you going to fetch me na?"

"Shunga ka talaga. Minsan nga naiisip ko kung paano ka naging Top 1. Sa sobrang talino pinagtataksilan ng boyfriend..."

Hinarap ko 'yung nagsasalita. Nagulat ako nang makita kung sino ito,

"Pi—pinagtaksilan ako ng boyfriend ko? *sniff* Josh! Please answer me.."


 Nga pala, he's Josh. My elder half-brother. He's the legal son. Anak ako ni Daddy sa ibang babae but my mother died habang pinapanganak niya ako kaya napunta ako kay Mommy Joana, ang kasalukuyan kong Mommy. Kuya Josh is a year older than me. Gwapo si Kuya Josh, while me? Ewan! No comment. Panget daw ako eh, sabi ni Chrizelle. Tinignan lang ako ni Kuya Josh with "ayaw-mong-maniwala-edi-'wag" look

"No! He'll never cheat on me. He promised to me. Raven loves me, I do not believe you. Stop making accusations without proofs!"  'Yan na lang 'yung sinabi ko habang hindi pa rin makatayo sa kinauupuan ko. Grabe naman. Mahal ako ni Raven at hindi niya magagawa 'yun sa akin.

"1 month pa lang kayo kaya masakit para sa'yo pero totoo ang sinasabi ko" Ah, oo.. One month pa lang kami ni Raven. Pero masakit para sa akin kasi mahal ko siya. I love him.. and I know he loves me too.

Kinaladkad niya ako papuntang rooftop. Ang harsh talaga nitong kuya ko..Ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Pero hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi niya... To see is to believe!

Pagkabukas namin ng pinto sa rooftop..

Nakadudurog.

Nagulat ako sa mga nakita ko. Grabe.. Si—Si Raven, hinahalikan si Maricris. And as usual, umiyak na naman si Alliya. Teka, panaginip lang 'to! Mahal ako ni Raven. Hindi niya ako magagawang lokohin. Patuloy pa rin 'yung pagtulo ng makukulit kong luha. Lumapit ako kay Raven at pinaghahampas yung dibdib niya. Bwisit ka! Papromise-promise ka pa! Ako naman tatanga-tanga. Naniwala sa'yo!

"Raven, bakit? May mali ba sa akin?  May problema ba? Bakit?"

I kept on asking him. Bakit ganoon? Binigay mo naman lahat ng efforts mo. Ibinigay mo naman ang puso mo nang buong-buo. Sinamahan pa ng tiwala, buhay, pawis, dugo, pangarap at lahat-lahat na. Pero bakit ba lagi at lagi ka na lang magkakaroon ng pagkukulang?

Nagulat ako sa mga sinabi niya na mas nagpatulo ng aking mga luha.

"What's wrong about you? Tumingin ka nga sa salamin at mahiya-hiya ka naman! Hindi kita mahal. Pinagpustahan ka lang namin. And I don't care if you love me. Si Maricris ang gusto ko. Well, Let's stop this. Let's break up sa kalokohang relasyon na ito."


Biglang bumuhos ang isang timba kong luha. Nakatulala lang ako, umiiyak at hindi makapagsalita. Nakita ko si Maricris, naka-grin sa akin tapos nakacrossed-arms. Ang ganda niya. Lahat talaga mahuhumaling sa kaniya, kumpara naman sa gaya ko. Bigla niyang pinulupot 'yung kamay niya kay Raven

"We're done here. Honey, let's go na!"

And they left me alone.. and lived happily ever after... Ako? Uso na 'to sa akin...

Niyakap ko na lang si Kuya Josh.

I don't want to cry anymore pero hindi ko mapigilan. It's like telling the rain to stop. Gusto ko silang saksakin at ipalapa sa mga pating... but reality check: I can't.

I want to be strong.

"They'll see." bulong ko sa sarili ko.

=======================================

A/N: I wrote this story when I was 12 so forgive me for my crude writing skills. Will try my best to proofread NWABN so that it will be easier for all of you. 'Yung mga chapters na "#" ang nasa title and not "=" will serve as an indicator if it's already edited or not. Enjoy reading! 

NERD Won't Always Be NERDWhere stories live. Discover now