Chapter 5 # Warfreak Mode: On

18.6K 495 30
                                    

[[Alliya's POV]]


"Okay, class dismissed"

Yahoo! Dismissal na rin, finally! Ang boring kasi ng itinuturo ni Ma'am Deang. Naituro na dati, noong highschool pa! Pakealam ko ba sa X and Y's niya? Kung dati, enjoy ko ang boring lectures, ngayon hindi na masiyado. Hindi ko na maappreciate 'yung essence.

Nandoon pa rin naman 'yung interest ko when it comes to learning pero, alam ko na kasi lahat iyon eh. Pati nga 4th year lesson, alam ko na rin. Kaya nakakaboring na kasi kahit hindi ako mag-aral, kayang-kaya ko perfect-in lahat ng exams, quizzes and other activities. Sinagad ko na ang pagiging grades conscious noon. But past is past. Iba na ako. 

Iba na 'yung learning na gusto ko. 

Learning about how to value and protect myself.

Learning how to fight.

Learning how to be happy.

Masaya nga ba ako?


"Alliya, inaabangan ka ni Maricris at ni Chrizelle, nako. War 'yan"

Tss. Ano bang hanap ng mga ito? Magawa sa mannequin ni Mia?

"Sure, basta back-up ka ah"

Go, Alliya! You can do it.. Inhale *hah!* Exhale *yuck! Bad breath pala ako* 

Mabugahan nga ang mga ito.


"Mag-aapply kayo bilang service ko? Sige! Tanggap na kayo!" --me

"Hoy Ikaw! Bakit hindi mo 'ko ginawan ng assignments, huh?" --Chrizelle

"At ikaw! Mang-aagaw ng boyfriend! Balak mo pang agawin si Raven sa akin ah"

Talk about kakapalan ng mukha. Nagsama ata ang asawa ni Satanas at Hudas!

"Excuse me, ikaw po nang-agaw, Maricris. Kapal ah" -Mia

"'Wag kang sumabat Mia, hindi kita kinakausap!"

It's your turn, Alliya! Go! 

"Tapos na ba kayong magsalita? Kung hindi pa, pakibilisan na, please, at may lakad pa kami ni Mia''

silence.

"Tss. Walang kwenta. Tara na nga, Mia"

At nagsimula na kaming maglakad palayo. Maghahamon ng away, wala naman palang binatbat. Sinayang lang posture at oras ko. Naglalakad na kami ni Mia nang biglang may sumabunot ng buhok ko,

"Aray!" napasigaw ko bigla

"Masakit? you deserve this btch! Pakulot-kulot ka pa! Halika't babanatin ko iyang buhok mo"

"Bitawan mo 'ko!"

"Bitaw? Buti nga sa'yo! Akala mo kaya mo na kami?"

Sinipa ko sila para mapabitaw sila sa hawak ng buhok ko. Tinulungan din ako ni Mia. Loko 'tong mga ito ah. Noong tuluyan na akong makaalis sa sabunot nila bigla kong hinawakan si Maricris habang hawak ni Mia si Chrizelle.

"Ako? Mang-aagaw? So anong tawag sa ginawa mo kay Raven? Hiniram?"

She slapped me.

Hinawakan ko 'yung part na sinampal niya, hindi naman ganoon kasakit. Well, tikman niya itong sa akin.

I slapped her back.

Tumilapon siya sa sampal ko. At napahawak din siya sa part kung saan ko siya sinampal. Now you know, Maricris, kung gaano ako kalakas manampal.

"Alliya, ikaw pa ba yan?"  biglang tumulo ang luha niya. Paawa effect. Does she really think na matatablan pa ako niyan? Paawa siya sa sarili niya, ewan ko lang kung maawa siya sa kapangitan niya!

"Ay hindi! Baka ikaw 'to. Natural ako 'to. Pero, hindi na 'yung nerd na nauuto mo," I smiled at her with all the sarcasm I could give. "Tara na, Mia. Masiyado nang nakasusuka 'yung amoy ng basura rito. Such an eww."

"Yeah! What a waste of time"

Umalis na kami ni Mia. 'Yung dalawa, hindi na naglaban. Ewan ko lang kung makauwi pa sila nang buhay ah. Napaisip ako sa tanong ni Maricris. Hindi na ata talaga ako ito.

Hindi ko na alam.

Basta ayoko na umiyak. Hindi na ako iiyak.

At pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa akin.

NERD Won't Always Be NERDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن